Skusta Clee – Di Ba’t Sakin Ka (feat. OC Dawgs)


Sana panaginip lang para di nahihirapan

Dati pag nakikita ka’y ako ay nanghihinayang

Nagtatanong ano bang dapat gawin ko

Hanggang ngayon ikaw pa rin ang gusto ko ohhh

 

Nakahanda kung maghintay ipapangako kong ikaw

Hindi mag aalangang umibig pa

Pero baliwala, binabaliwala mo lang ako

Gusto kong sabihin sa harap mo na ako ‘to yung dating sayo

 

Paulit ulit na nag aabang sayo palagi

Hanggang kailan ako aasahang merong mangyayare

Sa ‘ting dalawa

Sa’ting dalawa

 

Parang di mo kilala, di mo man lang nababati

Hindi mo ba naalala sakin ka pa dati ,

Di ba sakin ka

Di ba sakin ka

 

Inaabangan sa pagdaan at baka maisip mo na lingunin

Kahit na katiting ay madaplisan ng titig mo

Palaging nakasunod sa kung saan kaba nagpunta

Minsan ay nakakapagod na para maging bato pagkasalubong ka

 

Nakaw tingin sa pagkakataon sa ngiti mong hindi na ako ang rason

Ang pampamanhid ko ay imahinasyon sa tuwing nadudurog na sa sitwasyon

Parang ‘di mo na kilala

Di mo na ba maalala na minsan ay merong ako na sa isangdaan na iyong nakasama

 

Mga larawang dinadaan mo lang na parang wala lang

Pagkakasalang minsan kapalit ng buong pinagsamahan

Ang bilis mong makalimot

Ang bilis namang magbago ng ikot ng mundo

 

Yaman ko mga alaala mo at kung sino sino

Gusto kong makita sa mga mata mo na nasasaktan ka rin

Bakit hindi ko kayang indahin yung bagay na andali mo lang gawin

Wag mo naman akong daanan yan bang paraan mo para magpaalam

Pakiusap ibangon mo muna ako bago mo pa ako bitawan

 

Paulit ulit na nag aabang sayo palagi

Hanggang kailan ako aasahang merong mangyayare

Sa ‘ting dalawa

Sa’ting dalawa

 

Parang di mo kilala, di mo man lang nababati

Hindi mo ba naalala sakin ka pa dati ,

Di ba sakin ka

Di ba sakin ka

 

Nagsisisi na ‘ko kasi ngayon di na ko

May ari dyan sa puso mo

Tuwing naaalala ko na hawak ko pa kamay mo

Ay ang bigat bigat dito sa dibdib ko

 

Ang daming nagbago yung dati na tayo

Biglang nag iba ako’y naninibago

Ako’y hindi makapaniwala na nakalimutan mo

 

Bakit ba hinayaan ako ay mawala ngayon ay tuluyan nag iba

Ako ay nanghihinayang nalang lalo na nakikita kang may iba

Hanggang tingin na lang ako ,nagmamasid nalang sayo

Sana naman mapansin mo na ako yung taong nagmamay ari sayo

 

Paulit ulit na nag aabang sayo palagi

Hanggang kailan ako aasahang merong mangyayare

Sa ‘ting dalawa

Sa’ting dalawa

 

Parang di mo kilala, di mo man lang nababati

Hindi mo ba naalala sakin ka pa dati ,

Di ba sakin ka

Di ba sakin ka


More on O. C Dawgs