Siobal D x Joshua Mari – Mahal Paalam Na


Palagi mong tatandaan na mahal kita

Alam ko na hanggang dito na lang ang katapusan

Di gaya ng dati laging masaya lang palagi

Puro lang pagmamahalan  sa atin ay nangyayari

 

Subalit ang lahat ng tamis ay may kapalit na kalungkutan

Di inasahan na ilalayo ka ng kapalaran

 

Tatanggapin ko ang lahat

Kung ang sagot ay ang iyong pagbitaw

Nais kong makitang ika’y masaya

Hindi man ako ang maging dahilan mahal paalam na

 

Nakatingin na mula sa malayo

Minamasdan ko ang yong mga ngiti

Nababasa ko ang salita ng pag ibig

Na binabanggit ng iyong mga labi

 

Patungo sa taong marahil

Ang siyang talagang nakatalaga para sayo

Nung tayo pa dati tanong ko lang

Ganon din kaya sa akin ang nadama mo

 

Araw gabi kong binabalikan sa isipan

Lahat ng mga sandali

Tinuturing ko na kayamanan ang bawat minutong

Kasama ka at katabi

 

Laman ng usapan ay kung ngayo’y  nasan ka na

Ang lahat ay tila natupad

Maliban sa dapat ako ang kahawak mo ng kamay

Di ba bago lumipad

 

Ang sabi mo sakin ay wag ka na mag alala

Mabilis lang ang tatlong taon

Nakalipas  na ang dalawa

Heto nako’t nandito nakatingin sayo ngayon

 

Tinatanong ko sa sarili kung bakit ako pa

Ang napagtripan ng tadhana

Hanggang sa napatingin ka halata kang nagulat

Dahil sa di mo inakala na makikita mo ako sa gan’tong pagkakataon

 

Wag kang matakot ako’y naparito hindi para guluhin ka

Gusto kong personal na paabot sayo

Ang huling kong mensahe bago ako umuwi pabalik sating bansa

Wala akong sama ng loob eh kung ganun na talaga ang sati’y na itakda

 

Tatanggapin ko ang lahat

Kung ang sagot ay ang iyong pagbitaw

Nais kong makitang ika’y masaya

Hindi man ako ang maging dahilan mahal paalam na

 

Bago ka nahanap nag usap kami ng iyong kaibigan

At siya ang nagsabi ng lahat ng mga

Hindi magandang pangyayaring sinapit mo dito na grabe na

Di ko nalaman dahil sa ngiti mo sa tuwing magkausap tayo sa gabi

 

Dumating ka na pala sa puntong matulog nang wala pang kain doon sa tabi

Ng daan kung saan ka nadaana’t nakita ng taong tumulong sayo

Ang siyang nagbigay ng pag asa at nagpatamasa ng araw sa mga bagyo

Ang nagpagamot sa magulang mo na may sakit, nagpaaral sayong kapatid

 

Maaring sabihin na kung nasan ka man ngayon ay sya ang sa iyo’y naghatid

Hanggang sa tuluyan mahulog ang yong kalooban eh sino ba namang hindi

Kaya ng ika’y inalok ng pagpapakasal ay hindi na nag atubili

Naging masakit man sa akin isipin kung ba’t ako’y parang di mo napaglaban

 

Subalit marahil ito ang sadyang nakasulat na dito sating kapalaran

Nais ko pa rin na iyo ‘tong malaman

Ni minsan di ka nawala sa isipan

Palagi pa rin ang pangarap kung pwede lang sana pero di na pagpipilitan

 

Ang nais ko ay kasiyahan mo kahit na ang kapalit ay ang pagdaramdam

Salamat sa oras mo na binigay ako ay babalik na mahal ko paalam

 

Tatanggapin ko ang lahat

Kung ang sagot ay ang iyong pagbitaw

Nais kong makitang ika’y masaya

Hindi man ako ang maging dahilan mahal paalam na

 

Tatanggapin ko ang lahat

Kung ang sagot ay ang iyong pagbitaw

Nais kong makitang ika’y masaya

Hindi man ako ang maging dahilan mahal paalam na


More on Joshua Mari