Siobal D – Stupid Love 3 (feat. Fristah)


Sinong mag aakalang ang isang katulad ko ay papasa sa panlasa

Ng babae na pagka nakasama ay aakalain mong may bantay

Ka na angel mga mata’y nakatingin sa kanya parang sa sagala

 

Perpekto ang lahat wala kang pwedeng pintasan

Mula ulo hanggang paa putcha merong ganto pala

Sabay sabing pakiss naman abot kanto na ang kaba ko

Nagbibiro ka ba hindi kita aatrasan

 

Kanina lang tayo nagkita nagchat ka lang kagabi

Ngayon sa kama parang gusto mo na kong makatabi

Mahaba pa ang maghapon pasyal muna tayo

Tara lahat ng yan ay ireserba natin mamayang gabi

 

Pinagyabang kita kagad walang makapaniwala

Ang ganda pa naman  nya kaso lang baliw ata

Ako mismo ay nagduda kung ano ang yong motibo

Di ako anak mayaman at di rin ako yun tipo

Na pwedeng gawing modelo ng sabon panghilamos

Nagkolehiyo kaso dalawang taon lang ang tinapos

 

Kaya kahit sino mapapa OmayGad talaga kung pa’no

Ang isang katulad mo na ubod ng ganda ay mabibihag ng lalake

Na katulad ko aba sabay sabing walang tao sa bahay namin oh tara

 

Kung alam ko lang ang tunay na nilalaman ng puso mo

Di ako manghihinayang sana ay hindi ka na natagpuan

Kung alam ko lang ang tunay na naramdaman

Tila sayo ay may kaba pero ikaw ay aking mahal

Kung may katauhan man syang iba kung alam ko lang

 

Ang laki ng bahay nila kaso nga lang medyo luma

Nasa gate pa lang kami sumalubong na ang tuta

Pagbukas nya ng pinto napatingin ako sa sala

Kala ko ba walang tao sabay sabing ah si Papa

 

Nahiya ako bigla ako ay napaatras

Ang taas ng papa nya tas ang haba ng balbas

Sya’y biglang nagsalita halika hijo pasok ka

Wag kang mahiya sa akin maupo ka alok nya

 

Pagtingin ko sa hagdan ay merong bumaba

Kaba sa dibdib ko ay parang mas lalong lumalala

Sabay sabing halika ka hon at meron tayong bisita

Sya ang kasintahan ang ating unika iha

 

Ako ay nabigla at ako ay namangha

Natanggap agad ako parang hindi ako handa

Malapit na magdilim nang matapos aming kwentuhan

Nakangiting alok dito kana maghapunan

 

Kung alam ko lang ang tunay na nilalaman ng puso mo

Di ako manghihinayang sana ay hindi ka na natagpuan

Kung alam ko lang ang tunay na naramdaman

Tila sayo ay may kaba pero ikaw ay aking mahal

Kung may katauhan man syang iba kung alam ko lang

 

Inaya ako sa kwarto nya dun muna daw kami

Erpat nya mismo ang nagsabi na oh sya hijo sige

Habang paakyat ng hagdan, agaw atensyon ang larawan

Ng matandang parang panahon ng kastila pa ata yan

 

Wala ba kayong katulong bat ang daming alikabok

Pero utak ko’y nakatuon sa pwedeng maitampok

Sa gabing ito na tayong dalawa lang doon sa kwarto

Sabay tulak don sa kama tapos naghubad ng sando

 

Paglingon ko sa may gilid nakaupo si mama nya

Nakatingin habang namumula na ang mga mata

Gusto mo akong kainin pero di ko akalain na literal

Palang pagkain ibig mong sabihin

 

Ang maganda nyang mukha sa isang iglap ay nagpalit

Oh shit sila ng mama nya sa akin palapit

Pag sunggab nya ay nakailag ako sabay takbo (takbo)

Nasa hagdan ang erpat nyang halimaw na kalbo

Yung kaninang tuta ay higanteng aso na ngayon

 

Bahala na si Batman sa bintana na tumalon

Sabay takbo ng mabilis hanggang makarating sa kanto

Muntik nang maging hapunan ng pamilya ng impakto

 

Kung alam ko lang ang tunay na nilalaman ng puso mo

Di ako manghihinayang sana ay hindi ka na natagpuan

Kung alam ko lang ang tunay na naramdaman

Tila sayo ay may kabaPero ikaw ay aking mahal

Kung may katauhan man syang iba kung alam ko lang

 

Kung alam ko lang ang tunay na nilalaman ng puso mo

Di ako manghihinayang sana ay hindi ka na natagpuan

Kung alam ko lang ang tunay na naramdaman

Tila sayo ay may kabaPero ikaw ay aking mahal

Kung may katauhan man syang iba kung alam ko lang


More on Fristah