Siobal D – P.L. I. P


Ang dilim ng paligid kahit tanghaling tapat

Biglang napatanong ako ng teka san ba galing ka bat’

Masyado kang pinapawisan at ang putla ng mukha mo

Parang hindi mo narining kung sino ang pupuntahan mo kako

Sinundan kita sa kwarto silid sa hospital

Ang hirap makahinga walang hangin tapos hingal

‘Sang bote ng mineral nasa ‘yong mga kamay

Kaso di tubig kundi purong dugo ang nakalagay

 

Na umaagos sa tubo mula sa sikmura ni erpat

Biglang pasok ng doktor imbis na doc ay napa sir ba’t

Nagkakaganito ang tatay sabay abot ng reseta

Mga luha na umagos umabot na sa reserba

Mga luha ng umagos umabot na sa reserba

Anim na libo para sa walang puknat na pagdugo

Bilisan nyo bago tuluyang ang ugat nya’y matuyo

Kailangan ay tatlo disiotsomil ang sumatutal

Tila gusto ko nang dumiretso na ring umatungal

 

Di ko malaman ko papaano namin to mabubuo

Nasasayang lang ang sinasalin sayong mga dugo

Nilalabas din ang tubong pinadaan sayong ilong

Ni di ko pwedeng pagbigyan ang hiling mong makainum

At ang aking ulirat tila ay muling nagrehisto

Sinusundan kanina pa ay ang sarili mismo

Kailangan na kumilos sa pano mang paraan

Makagawa kami ng kahit na magkano para dyan

 

Ang hirap pag wala kang arep hanep talaga naman,

At mapapakapit ka sa pangit na pamamaraan

Pero bago pa man si kuya lumuluha ang mata

Tila ba sakin ay meron nagtutumpukan na kaba

Nakukutuban ko na ba sana hindi ano ka ba

Wag maisip ng negatibo pero ito talaga

Isang malungkot na balita nanlambot ang mga hita

Nakabalot na ng kumot nang huli ko syang makita paalam itay

 

Siguro nga hanggang don na lang talaga 

Pero hindi pa rin mawala sa isip ko na

Kung may pera lang  at nadala sya sa mas magandang pagamutan 

Maaaring iba ang kalabasan

Pera, di daw yan ang pinaka importanteng bagay sa mundo 

Pero pag wala ka nito apektado lahat ng importante sa buhay mo 

 

Maraming ulit ka nang nabigo di natupad ang plano

Ang pangarap mo na buhay na sinulat mo ng klaro

Kaso kahit na anong gawin wala namang nagbago

Pero heto ko ganon parin kailangan magtrabaho

 

Lakas ng loob daw ang kailangan bawal ang mahina

Dapat bakal ang dibdib ng isang kawal sa maynila

Kaya kapit pa na tila wala ka nang kakampi

Wala pwedeng magsabi sakin na hanggang dyan ka lang pre

 

‘Sang beses lang tayo mabubuhay sige lang sulitin

Wag matakot na magkamali pwede namang ulitin

Basta ang mahalaga hindi ka dapat huminto

May nakatago na ginto isa sa apat na pinto

 

Pagkabigo pag ayaw luha yan ang pangatlo

Matapang ka bang aabante o duwag kang tatakbo

Di matakasan ang walang hangganan san ba nagmula to

Parang si kamalasan at kapalaran nag kulabo

 

Lakas ng loob kailangan nating lahat 

Ang pagkabigo ay parte ng paglalakbay 

Ngunit ang pagsuko ay katumbas ng pagkamatay 

Kung naiisip mong baka magsisi ka lang 

Pagsinunod mo ang gusto mo at nabigo ka

Magsisisi ka din naman kapag di mo ginawa ang gusto mo 

At mapapaisip ka na kung pano ginawa mo at nagtagumpay ka

 

Minsan parang kwestyonable na ang distinasyon

Na bawat lakad lalo’t kung salat sa inspirasyon

Posibleng itanong mo sakin anong implikasyon

Nito sa bawat kilos mo at sa maging desisyon

Kung patuloy ka pang lalaban yon ang indikasyon

Na ang buhay natin ay utang at may interes yon

Dahil libre ang mangarap may bayad ang pagtupad

Walang buhay na banayad kaya bawal ang magkupad

 

Isipin lagi ang pamilya at gamitin mong lakas

Sa pag abante mo sa kalye ng napili mong landas

Alam kong nakakapagod nakakawalang gana

Habang iba’y masagana at nakakapaggala pa

Ikaw ay natatala na ng mga dapat mong bayaran

Mga obligasyon na hindi mo dapat pabayaan

Ngunit sa tuwing natatanaw ko ang ngiti sa labi

Ng aking munting anak lahat nagagapi ko lagi subukan mo lang

 

Maraming beses kang nabigo 

At panghihinaan ka

Pero, tingnan mo lang ang ‘yong pamilya

At gamitin mong lakas at inspirasyon 

Mangarap ka hindi lang para sa sarili mo 

Kundi para sa mga mahal mo sa buhay 

Dahil sa kanila mo kukunin ang gasolina 

Para mapagpatuloy ka sa laban

 

Napakarami nang tanong na sa utak gumugulo

Parang hanggang dito na lang ba ko kasi umuubo

Mga problemang iniisip kahit di naman dapat

Tila ba duda kang ikaw ay merong lihim na balat

 

Pagkat halos di na malaman kung ano ang gagawin

Matapos sa trabaho na pinapasukan tanggalin

Napakadaming bayarin upa tubig at kuryente

Buti sana kung kasya na ang huli kong bente

 

Palaging tandaan napakadaming dahilan

Para magpasalamat ka subukan mo na balikan

Ang mga bagay na mabuti na sayo ay nangyari

Upang ang kapayapaan ang sa isip mo ay maghari

 

Habang ikaw ay nagising maraming di na dumilat

Marami ang walang paa kaya di pinupulikat

Marami ang sikmurang kayang ilagay lang ay tubig

Mapalad at wala ka sa bansang tinapay ay putik

 

Wag kang malungkot na makita ang pamilyang mo’y ba

Dahil marami dyang iba kapatid na walang mata

Pasalamatan ang ama walang sakit at malusog

Asawa at anak mo na nagagawa mong mabusog

 

Ilang ulit mong inakalang dati di mo kaya to

Pero eto nalampasan di na basta ang gaya mo

Manalig at magpasalamat sa dakilang may lalang

Mabuti plano nya sayo ngayon ay di  mo lang alam


More on Siobal D