Siobal D – Musika (feat. Joshua Mari)


(Minsan ba parang gusto mo ng sumuko)

(Parang ayaw mo nang ipagpatuloy ang mga nasimulan mo)

(Kasi parang wala namang nangyayari eh)

 

Wala ka nang pera, wala pa ring sahod

Ang daming problema napapraning na ko’t

Napapansin ba ko?

Sa dami ng dumadalanging tao

‘Di pa nga tapos ay meron ng dumarating na bago

Mga pighati na dulot ng pagsubok mo sa buhay

Na pwede mong itulad sa pagsunog sa ginto ay

Malalaman mo kung puro at dalisay

Mga pagkabigong nagturo’t nagpatibay

Hindi mo ba napapansin na nakatayo ka pa

Subukan mong manalamin sige tingin ano ka ba

Iayos mo ang ‘yong tayo tumingala magpasalamat

Sabihin na wala ng pwede pa na makaawat

Na makuha lahat ng simula’t noo’y pangarap

Sabayan mo lang ng musika sinulat mong mga rap

Balang araw maririnig mo ang iyong pangalan

Na bukambibig nila basta ngayon ‘wag kang tumigil sa paglaban

 

Madalas ay para bang nawawalan na ng sigla

Sa isip mo’y gumugulo na baka tama nga sila

Sa bawat sandaling gusto mo ng bumitaw

Balikan sa puso mo ang dating ikaw

Pag alabin ang apoy na katulad ng ika’y mag-umpisa

Sa ating Musika

 

Natalo ka sa laban oh bakit gan’to ka

Ayaw mo na eh ‘di ba dapat ay mas galingan mo pa

Tagal mo na sa eksena oh ba’t malungkot ka

Kapag binilang ang taon ay sadyang mapapagod ka

Isipin mo ang dahilan kung bakit ka nag-umpisa

Ang dami mo ng nagawa hanapin mo sa ‘yong lista

‘Wag mong ikumpara ang pahina mo sa aklat nila

Kapag napagod ay magpahinga tapos hakbang lima

Siguraduhin mo na mas mahusay ka kesa kahapon

Hanggang pangalan mo ay sa wakas maitala ‘ron

Sa napapanood at napapakinggan ng lahat

Tatanghalin ka ring sikat ka pa sa tanghaling tapat

Kaya nga tanggalin lahat ng duda mo sayong sarili

Maniwala kang para sayo ang iyong napili

Daan na nilakaran maraming sasaludo

Respeto sa iba hanggang sa marating ang dulo

 

Madalas ay para bang nawawalan na ng sigla

Sa isip mo’y gumugulo na baka tama nga sila

Sa bawat sandaling gusto mo ng bumitaw

Balikan sa puso mo ang dating ikaw

Pag alabin ang apoy na katulad ng ika’y mag-umpisa

Sa ating Musika

 

Maraming pagkakataong wala na ring masulat

Naghahanap ka ng papuri na naging panukat

‘Di ka napapansin kapag may bago kang labas

Alalahaning sa baraha ay may apat na alas

Kung ‘di mo nakuha ngayon bunot ka pa ng isa

Maglabas ng maglabas hanggang mabunot mo sila

Maniwala balang araw ilan sayong kanta

Maghahatid sayong pangarap at kapagka nandyan na

Magiging mas masarap at malinamnam asahan mo

Iba sa pakiramadam dahil sa pinagdaanan mo

Basta’t kapag andon ka na matuto ka na sumaklolo

Magpakumbaba ka sa ibang grupo o solo

‘Wag umasa na makuha ang respeto ng lahat

Pag-ibig sa ginagawa ang sekreto sa pag-angat

‘Di mo rin naman kayang pigilan pag andar ng panahon

Sana ‘wag mo ‘kong kalimutan pag ikaw na ang nandon

 

Madalas ay para bang nawawalan na ng sigla

Sa isip mo’y gumugulo na baka tama nga sila

Sa bawat sandaling gusto mo ng bumitaw

Balikan sa puso mo ang dating ikaw

Pag alabin ang apoy na katulad ng ika’y mag-umpisa

Sa ating Musika

 

Madalas ay para bang nawawalan na ng sigla

Sa isip mo’y gumugulo na baka tama nga sila

Sa bawat sandaling gusto mo ng bumitaw

Balikan sa puso mo ang dating ikaw

Pag alabin ang apoy na katulad ng ika’y mag-umpisa

Sa ating Musika


More on Joshua Mari