Siobal D – High School Life 2 (feat. Bei Wenceslao)


Higit dekada ang lumipas buo pa rin ang kwento

Ng mga hindi malilimutang sandali at tyempo

Na dumadaan ako sa tapat ng iyong silid

Sinisilip kang pasimple ako’y nagmamasid

 

Baka kasi meron nang bumabakod sayo di pwede

Kung anong magagawa ko sa kanya nako depende

Ang pagtya-tyaga ko nang ilang buwan na panliligaw

Sinagot mo ng mahal kita yan ang ‘yong paglilinaw

 

Na wala akong dapat ikabahala magtiwala

Isipin ko ay pag aaral ko at maniwala

Na magagawang makapasa sa mga pagsusulit

Dahil sabi mo bahala ka iwan ka pag umulit ka

 

Sa high school at di ka makasama sa kolehiyo

Ayoko non kaya sagot ko lagi ay di pwede yo!

Sa mga tropa na nag aaya na maglaro

Kailangan ko magsakripisyo para di ka lumayo

 

Masaya sana nung high school same in yours and my school

Di na mapapantayan

Ngunit bakit gan’to ang buhay mga ngiti’t pagluha’y

Alaala kailanman

 

High school life oh my high school life

Akin pang naaalala

High school days mga high school days

Na ikaw lang ang kasama

 

Ang laki ng pinagbago ko dahil sayong gabay

Ikaw ang nagpakita sakin ng talento kong taglay

Na akala ng marami walang mararating

Biruin mo na mismong guro na ang syang nakapansin

 

Dahil pasado sa exam, aktibo na ako sa klase

Sa ibang aktibidad sa room palagi nang kasali

Sigurado na matutuwa ka pag iyong nalaman

Pasado sa lahat ng ating napag aralan

 

Kaso lang wala ka daw di ka pumasok sa klase

May sakit ka daw, yan ang sabi sakin ng ‘yong ate

Tatlong araw kang wala ngayon bakit parang iba

Iniiwasan mo ako teka saglit, galit ka ba?

 

Nang bigla kang umiyak sabay tulak palayo

Di ko maintindihan yung malinaw palabo

Tinatanong kita kung bakit di ka nagsasalita

Tanging sagot mo ay layuan mo’ko, gusto kong mapag-isa

 

Masaya sana nung high school same in yours and my school

Di na mapapantayan

Ngunit bakit gan’to ang buhay mga ngiti’t pagluha’y

Alaala kailanman

 

High school life oh my high school life

Akin pang naaalala

High school days mga high school days

Na ikaw lang ang kasama

 

Linggo ng gabi nag-usap tayo sa telepono

Humingi ka ng pasensya sa mga nasabi mo

Sabing bating Happy Monthsarry oh bukas na pala

O sige tulog ka na at wag ka nang mag alala

 

Nagising ng mas maaga para maipaghanda

Ng regalo dapat lang ay yung pinakamaganda

Bumili ng tsokolate’t bulaklak na gusto mo

Gusto ko ay maging ayos ka sa araw na ito

 

Ako ay kinilabutan nagbalik saking isipan

Ang sakit na nadama nung araw na ang inabutan ay trahedya

Na magpa hanggang ngayon dama ang sugat lalo na

Nung aking nabasa ang huli mong sulat

 

Happy Monthsarry David salamat sa pagmamahal

Pasensya na kung mas pinili ko ang magpatiwakal

Marahil ay hindi ako ang nararapat sa iyo

Hindi na din ako makakasama sa kolehiyo

 

Ingatan mo ang ‘yong sarili ,wag na wag mong pabayaan

Kung alam mo lang kung ga’no kita gusto masamahan

Di ko na matagalan sama ng aking amain

Buhat ng halos araw araw nya na ‘kong galawin

 

Alam ko na hindi ‘to dapat at ngayon pa nataon

Pasensya na kung kalungkutan ang regalo ko ngayon

Patawarin mo ‘ko Vid ang huling mensahe mo

Mapait na ala-ala nung high school ako

 

Masaya sana nung high school same in yours and my school

Di na mapapantayan

Ngunit bakit gan’to ang buhay mga ngiti’t pagluha’y

Alaala kailanman

 

High school life oh my high school life

Akin pang naaalala

High school days mga high school days

Na ikaw lang ang kasama

 

High school life oh my high school life

Akin pang naaalala

High school days mga high school days

Na ikaw lang ang kasama


More on Bei Wenceslao