Siobal D. feat. Fristah -Stupid Love Story 3


Sinong mag-aakalang ang isang katulad ko

Ay papasa sa panlasa ng babae na pagka nakasama

Ay aakalain mong may bantay ka na anghel

Mga mata’y nakatingin sa kanya parang sa sagala

Perpekto ang lahat wala kang pwedeng pintasan

Mula ulo hanggang paa putcha merong ganto pala

Sabay sabing pakiss naman abot kanto na ang kaba

Nako nagbibiro ka ba hindi kita aatrasan

Kanina lang tayo nagkita nagchat ka lang kagabi

Ngayon sa kama parang gusto mo na ‘kong makatabi

Mahaba pa ang maghapon pasyal muna tayo tara

Lahat ng yan ay ireserba natin mamayang gabi

Pinagyabang kita agad walang makapaniwala

Ang ganda pa naman nya kaso lang baliw na ata

Ako mismo ay nagduda kung ano ang ‘yong motibo

Di ako anak mayaman at di rin ako yung tipo

Na pwedeng gawing modelo ng sabon na panghilamos

Magkolehiyo kaso dalwang taon lang ang tinapos

Kaya kahit sino mapapa omaygad talaga

Kung pano ang isang katulad mo na ubod ng ganda

Ay mabibihag ng lalake na katulad ko aba

Sabay sabing walang tao sa bahay naming oh tara

Kung alam ko lang ang tunay na nilalaman

Ng puso mo di ako manghihinayang

Sana ay hindi ka na natagpuan

Kung alam mo lang ang tunay na naramdaman

Tila sayo ay may kaba pero ikaw’y aking mahal

Kung may katauhan man syang iba, kung alam ko lang

Ang laki ng bahay nila kaso nga lang medyo luma na

Nasa gate pa lang kami sumasalubong na ang tuta

Pagbukas nya ng pinto napatingin ako sa sala

Kala ko ba walang tao sabay sabing ah si papa

Nahiya ako bigla ako ay napa atras

Ang taas ng papa nya tas ang haba ng balbas

Sya’y biglang nagsalita halika hijo pasok ka

Wag kang mahiya sa akin maupo ka alok nya

Pagtingin ko sa hagdan ay merong bumababa

Kaba sa dibdib ko ay parang mas lalong lumalala

Sabay sabing halika hon at meron tayong bisita

Sya ang kasintahan ng ating unika iha

Ako ay nabigla at ako ay namangha

Natanggap agad ako parang hindi ako handa

Malapit na magdlim nang matapos aming kwentuhan

Nakangiting alok dito ka na maghapunan

Kung alam ko lang ang tunay na nilalaman

Ng puso mo di ako manghihinayang

Sana ay hindi ka na natagpuan

Kung alam mo lang ang tunay na naramdaman

Tila sayo ay may kaba pero ikaw’y aking mahal

Kung may katauhan man syang iba, kung alam ko lang

Inaya ako sa kwarto nya don daw muna kami

Erpat nya mismo ang nagsabi na ohsya hijo sige

Habang paakyat ng hagdan agaw atensyon ang larawan

Ng matandang parang panahon ng kastila pa ata yan

Wala ba kayong katulong bat ang daming alikabok

Pero ang utak ko’y nakatoon sa pwedeng maitampok

Sa gabing ito na tayong dalawa lang doon sa kwarto

Sabay tulak don sa kama tapos naghubad ng sando

Paglingon ko sa may gilid nakaupo si mama nya

Nakatingin habang namumula na ang mga mata

Gusto mo kong kainin pero di ko akalain

Na literal palang pagkain ibig mong sabihin

Ang maganda nyang mukha sa isang iglap ay nagpalit

Oh sh*t sila ng mama nya sa akin palapit

Pag sunggab nya ay nakailag ako sabay takbo

Nasa hagdan ang erpat nyang halimaw na kalbo

Yung kaninang tuta ay higanteng aso na ngayon

Bahala na si batman sa bintana tumalon

Sabay takbo ng mabilis hanggang makarating sa kanto

Muntik nang maging hapunan ng pamilya ng impakto

Kung alam ko lang ang tunay na nilalaman

Ng puso mo di ako manghihinayang

Sana ay hindi ka na natagpuan

Kung alam mo lang ang tunay na naramdaman

Tila sayo ay may kaba pero ikaw’y aking mahal

Kung may katauhan man syang iba, kung alam ko lang

Kung alam ko lang ang tunay na nilalaman

Ng puso mo di ako manghihinayang

Sana ay hindi ka na natagpuan

Kung alam mo lang ang tunay na naramdaman

Tila sayo ay may kaba pero ikaw’y aking mahal

Kung may katauhan man syang iba, kung alam ko lang


More on Fristah