Shanti Dope – Teknik (feat. DJ Buddah)


Habang tumatagal ay mas inaalam
Para san ko to ginagawa nung simula pa lang
Musika man ang naging bibig na ng isipan ko
May mga nagdaang rason pa din para tigilan to
Alam ko ng dito na ko darating nung una pa sa kung
Papano gustuhin to kumbaga kulang na lang sabihan
Ng mahal kita papunta na mikriponong tumatalon
Huli na ng sumampa kulang ba?
Pano mabuhayan naghanap ng magdududa kahit di na pinupulot
Pag basura na sumulat ang sagot ko
Sumaya ng walang pinapatunayan
Sa iba kung sa sarili pwede pa kahit agaran ugh
Magkaron ng ikalawa na pangalan pa sa entablado ay hindi na inasahan
Kung nilagay ako dito kapalaran na may kasalanan
Natural lang dinala ng hangin sa gustong tapakang
Tugatog gamit ang paang pinatid ng marami
Naging mapag-isa nung mag-iba ng klase
Kada araw na may pasakit sayang kasale
May sulat at tintang sumalamin saking imahe
Di baleng tawanan kahit abutin ka ng umaga
Ito ako buo may perang babangon sa kama
Lango sa kakalaro ng bara
Iwan mo mang kalbo yung sagada di mo to kaya
Mangarap na parang umpisa’t huli palagi paalala
Sa sarili pag wala ng gana
Harapin ang bukas kada tutok sa mabahong nakaraan
Sarili ang kalabang di mo kayang nasasaktan
Isipan na kung di man kontrolado kalaban yan
Natuto sa karanasang wala ko mapaglagyan
Di ka na dapat kabahan walang halong drama to
Binigyang kahulugan ko lang pagbangon sa kama ko
Sa dami ng nilampasang araw na dinadaing ay mas naging
Kapanapanabik sakin yung panibagong darating
Madami mang tila pasyente dyan mag magaling nasa salamin
Ang templo ng dapat ko sambahin

Ako yan
Ako yan nasa salamin
Ako yan
Isa pa

Ilang ulit sinubukan ng buhay kung kaya pa
Gusto nila ko magdrama tinawa ko lang kahit dagdag ngawit sa panga
Maging saya ko lang yung galit mo baka sakaling kapayapaan naman yung topic
Gusto lang din naman makagawa ng classic
Kung saan saan pa dinala ng awit tulala sa trapik
Dagit magdalena’t maria clarang nakatalik byaheng langit
Ba tong musikang depende sa pag gamit kakaadik na
Kaya huminga muna sandali bago mo ko tuldukan
Gawin mo yung minamani ko lang sa madaling salita
Sulat ng pang gulat na pangmulat pa mag gulay ka
Ganyan maligaw sa gubat pa-cavite samin walang libre
Katuparan ay binabayaran ng pagsisikap maige
Kung alam mo lang pinagdaanan ko di mo ko masisisi
Na sa gantong sapatos manatili hiphop


More on DJ Buddah