Sevenjc, Coi, Yhanzy & Dice 1ne – Gusto Ko Ikaw Na


Hinihiling ko
Ikaw na sana
Ang babaeng kukumpleto at makakasama
Dahil napakasaya nung akin ka na wala ng iba uh!
Pagkat mahal na kita sigurado na at salamat nakilala
Matagal nang hinihintay
Salamat at ibinigay ka
Ng panginoon
Sana ikaw na ang huling makakapiling ko
Sawa na rin kasi akong masaktan
Gusto ko ikaw na

Gusto ko ikaw na ang makatabi
Makapiling sa habang buhay
Lagi magkasama
Pero hinihiling sa maykapal
Sana’y wag ka nang maglaho pa

Ang tanging hiling ko lang naman ay
Makasama sa pagtanda
Bitbit ang rosas na
Tila hindi nalalanta
Kasi hawak ko ang pag-ibig na s’yang ninanais mo
Panghawakan mo lamang ang mga pangako ko
Dahil hindi ko sisirain yan at
Wala namang kadahilanan
Mahal gusto ko ikaw na

Gusto ko ikaw na ang makatabi
Makapiling sa habang buhay
Lagi magkasama
Pero hinihiling sa maykapal
Sana’y wag ka nang maglaho pa

Sa dami ng nangyari at mga dumating
Mga bahagi ng nakaraan daang madilim
May mailalaan pa pala sa aking bituin
Ni minsan sa’king panaginip ay di ko hiniling
Na para isang kisap mata’y baguhin ang buhay
Sapat na dahilan upang bumali ng aking sungay
Sa pait man o lumbay ika’y nag-alis ng umay
Habang ako’y nabubuhay ako’y alipin mong tunay
Napakasarap naman palang lakaran
Ng mundo habang kasabay kang pagdadaanan
Yung mga pagsubok sabay nating paglalabanan
Habang apelyido ko nasa dulo ng yong pangalan
Magkasama sa isang bubong na may apat na dingding
Habang ako’y haligi ika’y ilaw na maningning
Na may mga makukulit na supling
Pag dumating yun wala na kong ibang mahihiling
Salamat sa pagdating mo

Gusto ko ikaw na ang makatabi
Makapiling sa habang buhay
Lagi magkasama
Pero hinihiling sa maykapal
Sana’y wag ka nang maglaho pa

Gusto ko ikaw na ang makatabi
Makapiling sa habang buhay
Lagi magkasama
Pero hinihiling sa maykapal
Sana’y wag ka nang maglaho pa

Gusto ko ikaw na ang makatabi
Makapiling sa habang buhay
Lagi magkasama
Pero hinihiling sa maykapal
Sana’y wag ka nang maglaho pa


More on Coi