Sandiwa – Tulong (Gloc 9)

Tulong tulong sambit ng iyong mata
abot langit na tawag lihim na luksa
sigaw mo’y saklolo
nalulunod na pala
sa maalat na luha na tumatawa ang iba

di ko to ginusto tulungan nyo po ako
ano ba ang dapat kong gawin akoy nalilito
bakit kaba natatakot teka wala namang multo
pagbilang ko ng tatlo ay nakatago na kayo

mamang tindero ano ang binebenta mo
masarap na inumin natikman mo naba ito
lahat ng hapdi at sakit ay mapapawi nito
ganun ba etong aking pera pabili akong tatlo
o baka gusto mo ng kwintas uso ito ngayon
makapal matibay mahaba maganda ang kondisyon
bagay sa kahit anong mong suot ano ang desisyon
sabihan mo lang ako mahaba pa ang proseso

at kung nais mong mamasyal doon sa maliwalas
malakas ang hangin presko na hindi pa nadanas
mataas kita mo lahat parang nakatakas
di mona kailangan isipin pa kung swerte o malas

pagnakilala mo na ang iyong kutob
sige lang wag mong isipin ang mabuti kasi di ito pilitan
kung marami kang problema sikapin mong maglibang
kailangan mo ba ng kasama sabay tayong magbilang

Tulong tulong sambit ng iyong mata
abot langit na tawag lihim na luksa
sigaw mo’y saklolo
nalulunod na pala
sa maalat na luha na tumatawa ang iba

di ko to ginusto tulungan nyo po ako
ano ba ang dapat kong gawin akoy nalilito
bakit kaba natatakot teka wala namang multo
pagbilang ko ng tatlo ay nakatago na kayo

umaapoy ang lalamunan ko di na makahinga
suka ng suka ng suka wala ng pahinga
pilit kong inaabot ang mga kamay nila
laway ko na dating puti bakit ngayon naging pula

sinuot ang kwintas na makapal at makati
tumangkad halos abot ko na ngayon ang kisame
mga latay at pasa ko sa leeg kagabi
kung ano man ang nakita mo ay wag mo ipagsasabe

ayos pala dito sa taas medyo maginaw
malamig ang simoy at madami kang matatanaw
wag kang masyadong malikot
sinong gustong lumipad siya ba o ako o ikaw

pagnakilala mo na ang iyong kutob
sige lang wag mong isipin ang mabuti kasi di ito pilitan
kung marami kang problema sikapin mong maglibang
kailangan mo ba ng kasama sabay tayong magbilang

More on Gloc 9