Sam Mangubat – Hindi Na Nga (KIKX)


Sinasabi sa sarili
Kakayanin ba
Kung hahayaan mo na lamang
Palayain na s’ya
Tandang tanda ko pa
Kung pa’no mawalan ng ligaya
Mga gabing di na katabi
At sa pag gising ‘di kita kapiling
Akala ko’y ‘di ko na kakayanin pa
Wag kang mag-alala ok lang
Na malayo ka

Kung dati ay mahal kita
Ngayo’y malinaw na hindi na nga
Kung dati’y hinahanap pa
‘Di ba malinaw na hindi na nga
Kaya ko pala nang wala ka
Kaya’t wag mag-alala
Malaya ka na
Kung dati ay mahal kita
Ngayo’y malinaw na hindi na nga
Hindi na nga

Hindi na nga
Hindi na nga

Nagbabago pala ang pag-ibig
Pag ‘di binigay sa iyo pabalik
‘Di mapipilit damdamin
At masakit man ito’y tatanggapin
Tuloy tuloy lang
Pipiliting bumangon
Pipiliting umahon
Kahit nag-iisa
At ‘di na rin nagtagal
Namanhid sa pagluha
At tuluyan nang
Naglaho lungkot ng yong pagkawala
Akala ko’y ‘di ko na kakayanin pa
Wag kang mag alala ok lang
Na malayo ka

Kung dati ay mahal kita
Ngayo’y malinaw na hindi na nga
Kung dati’y hinahanap pa
‘Di ba malinaw na hindi na nga
Kaya ko pala nang wala ka
Kaya’t wag mag-alala
Malaya ka na
Kung dati ay mahal kita
Ngayo’y malinaw na hindi na nga
Hindi na nga

Hindi na nga
Hindi na nga

‘Di na tulad ng dati
‘Di na di na maaari
Wag kang mag alala ok lang
Na malayo ka

Kung dati ay mahal kita
Ngayo’y malinaw na hindi na nga
Kung dati’y hinahanap ka
‘Di ba malinaw na hindi na nga
Kaya ko pala nang wala ka
Kaya’t wag mag-alala
Malaya ka na
Kung dati ay mahal kita
Ngayo’y malinaw na hindi na nga
Hindi na nga

Hindi na nga
Hindi na nga
Hindi hindi na nga
Hindi na nga


More on KIKX