Sam Mangubat – Hangganan


Oohhhh…

Pinagtagpo ngunit di tinadhana
Kapalaran daw natin dal’wa
Sa loob ng kaunting panahon
Pambihirang tamis ang tugon

Ng ‘yong puso sa akin
Para bang sinasabing
Ika’y gustong angkinin
Pakinggan mo o giliw hindi magmamaliw
Kahit kailangang bumitiw

Mahal kita
Tumutol man ang tadhana
Sayo lang ako lumigaya
Ngayon lang ako umibig ng gan’to
Oh aking susulitin sagad mang tawagin
Kahit hanggana’y dumating

Pinagtagpo ngunit di tinadhana
Kapalaran nga ba’y madaya
Sa kabila ng pag-ibig na totoo
Panahon na nga ba ang sumuko

Anumang higpit ng yakap lumipad man sa ulap
Paglayo mo’y di na mapigilan
Ngunit bago lumisan pakiusap ni minsan
Ako’y di mo malimutan

Mahal kita
Tumutol man ang tadhana
Sayo lang ako lumigaya
Ngayon lang ako umibig ng gan’to
Oh aking susulitin sagad mang tawagin
Kahit hanggana’y dumating
Mahal kita…

Mahal kita

Mahal kita
Tumutol man ang tadhana
Salamat dahil lumigaya
Ngayon lang ako inibig ng gan’to
At di ka nagsisi nung ako ay ibigin
Kahit hanggana’y dumating

Mahal kita…

Ito’y pinangako ang awit ng puso
Bakit kailangang lumayo?
At kung ‘di mapigilan sana sa paglisan
Ako ay ‘di mo malimutan

Pinagtagpo ngunit di tinadhana
Kapalaran ba natin dal’wa

Uhhhmmm…


More on Sam Mangubat