Sabrina Manansala – Hanggang Dito Na Lang Muna


Nag-iisip kung saan ba pupunta
ang mga paa mong dinala
Isang araw sa pintuan ng buhay ko
di alam na ika’y kakatok

(Pre-chorus)
Pero ngayon wala ka na
sa harap ko
san ka pumunta

(Chorus)
Pwede ba natin itigil ang mundo
Kahit isang saglit o segundo
san ba pwedeng magtagpo
Hanggang dito na lang muna
Hanggang dito na lang muna
Hanggang dito na lang

Kung gaano kabilis ang panahon
darating ka papunta’t paroon
nagbabakasakaling may pagkakataon

(Pre-chorus)
Pero ngayon wala ka na
sa harap ko
san ka pumunta

(Chorus)
Pwede ba natin itigil ang mundo
Kahit isang saglit o segundo
san ba pwedeng magtagpo
Hanggang dito na lang muna
Hanggang dito na lang muna
Hanggang dito na lang

(bridge)
magkasabay na naglalakad
sa ating kwentong hindi na umuusad
ngunit heto ako ngayon
Papalayain ka

(Spoken word poetry)
Araw araw akong nagdadasal na Sana hindi ko na maramdaman
Ang lahat ng sakit
Ang bawat alalala Ng nakaraan
na pilit kong tinatakbuhan
Dahil Mas madaling tumakas Kesa pabayaan
ang sariling manatiliKung Saan nasaktan

Dahil paulit ulit ka Lang nito hihilahin pababa
Hanggang sa hindi ka na makahinga
Hanggang sa mapuno ang utak mo ng, mga Bakit, Paano, Ano, Saan,
Mga salitang hindi mo mabitawan
Dahil pag naalaala mo siya
Ay tila’y binabalik ka sa karagatan
At Lulunurin ka ng pagdududa
Kung Tama ba ang lahat ng nangyari
Pero Bakit ka nagsisisi Sa mga bagay na hindi mo nasabi,
sa mga pagkakataong akala mo mababalik mo ang dati,
mga pangakong inasahan mong tutuparin niya

Pero wala
Lahat ito naglaho at Ikaw na Lang ang natira
Hindi mo alam kung Saan ka papunta
Pero Kailangan mo maniwala
Kailangan mo Lang magpadala
Magpabubaya sa ihip ng hangin
At hayaan mong maramdaman ang lahat

Dahil sa pagtanggap ay doon mo makukuha ang paglaya
Sa paglaya ay doon mo mahahanap muli ang sarili mo
balikan mo ang sarili mong mga Bakit, Ano, Paano ng mahanap mo ang Saan
Mawala sa sariling pagkakakilanlan hayaan ang sarili umiyak muli,
Tumigil Kahit saglit
Kahit Ikaw na Lang ang natira
Paunahin mo siya

(Chorus)
Pwede ba natin itigil ang mundo
Kahit isang saglit o segundo
san ba pwedeng magtagpo
dito na lang muna
dito na lang muna
Dito na lang

Hanggang dito na lang muna
Hanggang dito na lang muna
Hanggang dito na lang

Tayo


More on Sabrina Manansala