Rommel Ynion – Hanggang Walang Hanggan


Lupa at langit ang ating pagitan
Ngunit bakit hindi ka maiwasan
Alam nating bawat puso’y di na malaya pa
Ngunit may pag-ibig na nadarama

Kapag kasama ka ay langit para sa’kin
Tanong ng puso’y kalian ka maaangkin

Hanggang walang hanggan ay iibigin ka
‘Di hihinto ang puso sabihin na mahal kita
Maaring ‘di ngayon at hindi rin sa kahapon
Baka naman bukas ay darating ang tamang panahon

‘Pag hawak ang iyong kamay at nahahagkan ka
Ayoko na na magising baka mawala ka pa
‘Di hihinto ang puso na lagi ay ibigin ka
Kailan pa man hihintayin kita

Kapag kasama ka ay langit para sa’kin
Tanong ng puso’y kalian ka maaangkin

Hanggang walang hanggan ay iibigin ka
‘Di hihinto ang puso sabihin na mahal kita
Maaring ‘di ngayon at hindi rin sa kahapon
Baka naman bukas ay darating ang tamang panahon

Wooooahh….

Hanggang walang hanggan ay iibigin ka
‘Di hihinto ang puso sabihin na mahal kita
Maaring ‘di ngayon at hindi rin sa kahapon
Baka naman bukas ay darating ang tamang… panahon


More on Rommel Ynion