Raffy Calicdan – Babalik Ka Na


Hawak hawak ang aking kamay
Nung tayo ay kailangan nang maghiwalay
Ang luha ay ‘di mapigilan
Tila ayaw kong kumilos ang kamay ng orasan

At kahit tayo ma’y magkalayo
Tadhana natin ay ‘di magbabago
Anuman sabihin ng mundong ito
Panghabang-buhay ikaw lang at ako

Araw-araw nagdarasal
Na balang araw ikaw ay nasa harapan
Gabi-gabi nananaginip
Ako’y muli mong yayakapin nang mahigpit

Babalik ka na sa piling ko
Ilang araw na lang mahahawakan kang muli
Babalik ka na aking mahal
Masisilayan kong muli ang ‘yong ngiti

Sa’yong pagbabalik
Sa’yong pagbabalik
Aking mahal

‘Di na makapaghintay
Tibok ng puso ay sumasabay
O kay tagal ko nang nananabik
Sa piling ko ika’y muling magbabalik

Araw-araw nagdarasal
Na balang araw ikaw ay nasa harapan
Gabi-gabi nananaginip
Ako’y muli mong yayakapin nang mahigpit

Babalik ka na sa piling ko
Ilang araw na lang mahahawakan kang muli
Babalik ka na aking mahal
Masisilayan kong muli ang ‘yong ngiti

Sa’yong pagbabalik
Sa’yong pagbabalik

Babalik ka na sa piling ko
Ilang oras na lang makakasama kang muli
Babalik ka na aking mahal
Lunurin mo ako sa ‘yong mga halik

Sa’yong pagbabalik
Sa’yong pagbabalik
Aking mahal


More on Raffy Calicdan