Queenie – Mahal Pa Rin Kita


Ako’y nasaktan nung sinabi mong
‘Di mo na ako kailangan
Puso’y pilit kong tinatagan
Ginawa ang lahat para ika’y ipaglaban

Ngunit pinili mong makasama siya
At ako naman ang ‘yong iniwan

‘DI ko kayang kalimutan ka
Kahit ako’y pinalitan mo na
‘Di ko kayang humanap ng iba
Kahit sa’yo’y wala na akong halaga
Ahh…
Mahal pa rin kita

Isip ko’y gusto ng lumimot
Ba’t sa puso naman ika’y tinitibok
At hindi alam kung hanggang kailan ang pagmamahal
Sa’yo ng lubusan

‘DI ko kayang kalimutan ka
Kahit ako’y pinalitan mo na
‘Di ko kayang humanap ng iba
Kahit sa’yo’y wala na akong halaga
Halaga…
Mahal pa rin kita

‘Di na gusto pang lumisan ka
Oh, ulit-ulitin natin ang tayong dalawa

‘DI ko kayang kalimutan ka
Ipinauubaya ko na kay Bathala
‘Di ko kayang humanap ng iba
Dahil mahal pa rin kita


More on Queenie