Pusakalye – Panaginip

Parang kahapon lang sariwa pa sa isip ko
Mga ngiti mong kay tamis na ‘di na nagbago
Hinihiling sa langit na makita kang muli
Aking dalangin sana’y pagbigyan
At dumampi ang mga labi
Pati mga yakap kahit sandali
Na parang tulad ng dati
Walang magbabago sa atin

Tayo na’t muling hawakan ang kamay ng bawat isa
Ituloy mo lang iguhit ang pangarap para sa’tin dalawa

Sumabay ka lang, sumabay ka lang sa awit

Sumabay ka lang at sumama sa aking panaginip

Gumising ng umaga
Hindi ko na makita
Babaeng pinangarap ko na makasama
Panaginip lang pala ang lahat ng ‘to
‘Di akalaing hindi ka pala totoo
Hawak ang kamay mo
Sumasayaw na tayo
Sumasabay sa bawat tono
Hindi ko maiwasan na ika’y titigan
Ngunit nawala na lang nang magising
Sa katotohanan

Tayo na’t muling hawakan ang kamay ng bawat isa
Ituloy mo lang iguhit ang pangarap para sa’tin dalawa

Sumabay ka lang, sumabay ka lang sa awit
Sumabay ka lang, sumabay ka lang sa awit
Sumabay ka lang at sumama sa aking panaginip

Ooohh
Tayo na’t muling hawakan ang kamay ng bawat isa
Ituloy mo lang iguhit ang pangarap para sa’tin dalawa
Ahhh heey

Sumabay ka lang, sumabay ka lang sa awit
Sumabay ka lang, sumabay ka lang sa awit
Sumabay ka lang, sumabay ka lang sa awit
Sumabay ka lang, sumabay ka lang sa awit

Sumabay ka lang, sumabay ka lang sa awit
(Sumama ka sa panaginip)

Sumabay ka at sumama sa aking panaginip

More on Pusakalye