Poisonhxrzy – Walang Bawian (feat. Esseca)


hayaan mo nalang ako dito na mag-isa
hindi ko na ipipilit maging masaya
hindi na kase ako makakahanap pa
ng katulad mo malabong maayos pa
lumaban mag-isa kahit mahirap na
pero ayos lang naman ‘yon
inawan ka sa kahapon

kahit konting pagtingin wala nang natitira
wala nang bawian ang ‘yong mga salita
wag mo na isipin ang nakaraan
sana ikaw ay masaya na
ikaw ay masaya na (woah)

pasensya na, pasensya ko’y naubos na
tiwala ko sa’yo ay wala na ring natira
di na mababawi binitawang salita
masaya ka na rin naman sa kanya
pero ganon talaga hayaan mo nalang akong mag-isa

lahat nawalan ng kulay
ang nadarama’y nalantang gulay
usok pati alak kaya mapungay
binaon mo sa sakit
parang nasa hukay, nawalan ng buhay

basag na lahat sa atin
masusugat lamang pag pinilit buohin
ito na ang huli bago ka tuluyang umalis
aking tanong ay pwede mo bang sagutin
sigurado ka na ba?
kase wala nang bawian
pag ikaw ay umalis
wala ka nang babalikan

alam ko namang napakadami pa ng iba diyan
pero ating binuo yun ang mahirap palitan
di ka masisisi kung wala ka nang maramdaman
pag-ibig kusa’t di ‘yan pwede na sapilitan
labis akong nasaktan pero ayos lang naman
masaya sa umpisa pero di ang katapusan

sinunod ko lang ang puso na parang utusan
binigay sa’yo lahat kahit na magka-ubusan
pero binalik mo saki’y kabaliktaran
nahulog sa’yong mga salitang walang kahulugan
iyong mga ngiti para sa akin ay walang kabuluhan
kung sa huli ay iiwanan mo rin akong luhaan
pag ikaw ay nasaktan wag ka nang umasang
meron ka pang mapupuntahan, di mo na ako matatagpuan

pwede bang? tama na
pasensya na ako’y nagsawa na
sa mga salita mo na ulit-ulit
ayos lang, alam ko nang
ikaw ay masaya na
hayaan mo nalang akong mag-isa

hayaan mo nalang ako dito na mag-isa
hindi ko na ipipilit maging masaya
hindi na kase ako makakahanap pa
ng katulad mo malabong maayos pa
lumaban mag-isa kahit mahirap na
pero ayos lang naman ‘yon
inawan ka sa kahapon

kahit konting pagtingin wala nang natitira
wala nang bawian ang ‘yong mga salita
wag mo na isipin ang nakaraan
sana ikaw ay masaya na
ikaw ay masaya na (woah)


More on Esseca