poisonhxrzy – Pinaglayo (feat. Kxle & Kyra)


ako’y nalinlang ng iyong galawan

hindi ko malaman kung saan lulugar

pwede bang sabihin mo ang pakay

kase di ko mahulaan

ano nga bang dahilan?

bakit ka natagpuan

baka ako na ang gagamot

sa iyong pusong iniwan niyang sugatan

pwede bang akoy pakinggan

wag mo mo muna sanang sabayan

nais ko lang namang mabatid mong

di nagkakalayo ating nakaraan

ayaw ko na sanang maramdaman to

luob ng sikmuray ko’y may paruparo

pagod nang malito

(Hook)

pero mali bang napaibig

ang isang tulad ko sa’yo

pinagtagpo lang tayo

at biglaan ding pinaglayo

gusto ko lang namay pagibig

na hindi nabibigo

bakit ba pinaglayo?

ikaw lang naman ang hinahanap ko

bakit ba pinagtagpo?

pagibig nating dalaway malabo

sinubukan kong burahin

ang mukha mong mahinhin

pero bakit di malimutan

naniwala sa mga sabi

pero bakit di ko namalayan

nasagot ko sa mga bagay na

tinatanong gusto man kitang makita

ayaw ng tadhana

muli nalang aasa na magtatagpo tayo

inipon ko na isang milyong halik

ibibigay ko sayong pagbabalik

sa mga taong

nakikita ka araw gabi

ako ay naiinggit

kailan pupunuan aking

pananabik walang kahit

ni isang rason

bat ayoko sayo

liban sa katotohanan na

wala ka dito sa aking tabi

malabo na mangyari

gustong mahagkan ang iyong pisngi

kapag kasama kita

ano pa kaya ang mga bagay

na kaya nating gawin

lumabo man ‘tong mga mata ko’y

malabo pa rin akong

mawalan sa’yo ng pagtingin

kung meron akong

tatlong kahilingan

at tatlong beses kitang

(hihilingin)

gusto ko lang sa iyong tabi

hanggang sa ako’y ma d.i.e.

ikaw aking tulog sa bawat gabi

aking mga kamay kapag hindi ka hawak

ay walang silbi

gusto ko lang namang bawasan ang

mga hapdi

ako ay nandito lang

para samahan ka binibini

hanggang sa di ka na humikbi

posible kaya tayong dalawa

mga tanong ko ay pwede mo bang

sagutan wag mo iwanang patlang

walang pake sa mga hadlang

bat ka sakin nilayo?

mali bang tamaan sayo?

yoko na sanang maramdaman to

(Hook)

pero mali bang napaibig

ang isang tulad ko sa’yo

pinagtagpo lang tayo

at biglaan ding pinaglayo

gusto ko lang namay pagibig

na hindi nabibigo

bakit ba pinaglayo?

ikaw lang naman ang hinahanap ko

bakit ba pinagtagpo?

pagibig nating dalaway malabo

sinubukan kong burahin

ang mukha mong mahinhin

pero bakit di malimutan

naniwala sa mga sabi

bakit ba pinaglayo?

ikaw lang naman ang hinahanap ko

bakit ba pinagtagpo?

pagibig nating dalaway malabo


More on Kxle