Pio Balbuena & Gloc 9 – Tamang Panahon


Matagal kong inantay ang pagkakataon na’to

Ang makasama ang makata sa isang kanta ko

Kailangan taliman na parang sumusulat sa bato

Ito ang isa sa lahat ng pangarap na dala ko

Pinagdaanang hirap halata nyo sa mata ko

Pinagpaguran lahat kahit na walang matamo

Ang industriya ay gubat pag namulat ka na

Bro ako ay naging laman yata sa masukal na damo

Nung narinig ko ang kanta mo grabe ang galing

Sabay sabi sa sarili yan ang gusto kong gawin

Balang-araw sa intablado makakakanta rin

Hindi pala ganun kadali kapag meron kang hiling

Hindi nakapag-kolehiyo, walang pang matrikula

Pero inaral ang diploma mo’t mga tinula

Hindi ko kakalimutan kung saan ako nagsimula

Saan man makarating lahat ng ‘to laging panimula

 

Chorus:

‘Wag kang matakot na magkamali

Kung maligaw sige tahakin mong muli

Lumaban ka kahit na magapi hanggang doon sa tamang panahon

 

Sa kada alis ko ay laging alisto

Sa byahe ng pangarap nakikinig kay Polisco

Habang naglalakad ang baon ko sampung-piso

Pero hindi huminto at ang lahat tiniis ko

Sarado ang pinto sa bintana dadaan

O kahit saan pa yan gagawan ng paraan

Maraming pwedeng mangyari basta mag abang ka lang

Pero wag puro abang pare kilusan mo naman

Isipin mo ay darating ang tamang panahon

Kahit mahulog ay kayanin mong gumapang paahon

Nung akala ng iba ang buhay mo ay patapon

Gulatin mo silang lahat pag lumabas ka sa kahon

Ngayon naniniwala na’ko lahat ay posible

Pero alam ko rin na hindi ito ganun ka-simple

Kung gusto mo talaga pagsikapan mong maigi

Pag ang panahon tumama hawakan mo ng mabuti

 

Chorus:

‘Wag kang matakot na magkamali

Kung maligaw sige tahakin mong muli

Lumaban ka kahit na magapi hanggang doon sa tamang panahon

 

‘Di ako karapat-dapat pero maraming salamat

Palaging nakahanda na walisin ang mga kalat

Ipunin ang piraso dikitan ang mga lamat

Nakalista na atraso kulay itim parang balat sa puwet

Pikit, inggit, namamaliit mawalang galang na teka lang sino ka nga ulit

Nangungulit dun sa likod nangangalabit sumunod sa payo laging magpapakabait

Alisto diretsyo lagi di pa lihis ‘to

Pangalawang pangalan aking pinarehistro

Sabi ng bago sa lumang trabaho panis ‘to

Babagsakan ng apelyido ko na Polisco

Minsa’y naatasan ako’y naabutan ng martilyo at pako tinibayan ang mga daan

Na kapag inapakan ka nila’y matatandaan sa huli lahat tayo palaging mapapalitan hey

 

Chorus:

‘Wag kang matakot na magkamali

Kung maligaw sige tahakin mong muli

Lumaban ka kahit na magapi hanggang doon sa tamang panahon

 


More on Gloc 9