Pieces – Filipina Aye (feat. DRO, Je, Lennoj, Nck Deezy)


Filipina na singkit, marikit, matalino, mabait at makulet ,aye

Lakas ng ‘yong dating lahat napapailing

Mga matang singkit na ang lakas pang maka-akit

 

Ang ganda ganda mo oh ohh

Walang makapantay sayo oh ohh

Ang lakas ng amats ko (hey) sa dilag na tulag mo

 

Nabighani mo ako sa first look pa lang

Agad kitang pinagkait sa’king mga kaibigan

Kasi natuklasan ka ibang babae na balot ng ganda

Para yung mga tipong ko sa’king pantasya

Nung malapitan ka bigla akong na utal-utal

Gusto ko lang sabihin na

 

Girl, ikaw na pinakamaganda sa lahat (ey!)

You got me hook sa mala angel na ugali mo

Hinahanap ng lahat ang katangian nasa ‘yo

Wag ka sanang magbabago ha?

Di mo kailangan magpaganda pa haha yeah ah ahmm..

 

Oh binibining kay ganda

Agaw pansin sa’king mata

‘Di ko alam anong meron sayong kakaiba

Binihag mo ako sayo’y nahulog sa taglay mo na

 

Mahinang galawan ako’y tinamaan

Sa mga ngiti mo kapag nasundan

Ang ‘yong katangian ay para kang isang angel

At nahulog ka nang kalangitan

Alam ko naman na ako’y sayo

Daming kaagaw, daming kalaban

Pagsisigawan ko kung gaano kita kamahal

Para malaman mo na

Isang kagaya mo ay walang katulad

Sana’y mahawakan ko ang mga palad mo

Oh matitigan yung mga matang kumukutitap

Sa tuwing pagmamasdan ka parang nasa alapaap

 

Filipina na singkit, marikit, matalino, mabait at makulet , ey

Lakas ng ‘yong dating lahat napapailing

Mga matang singkit na ang lakas pang maka-akit

Ang ganda ganda mo oh ohh

Walang makapantay sayo oh ohh

Ang lakas ng amats ko (hey) sa dilag na tulag mo ohh oh

 

‘Di mo na kailangan magpapansin pa

Sa titig mo pa lang ay mahuhulog na (mahuhulogg na)

Kakaibang saya tuwing makikita ka (tuwing makikita ka)

Sana lang mapansin mga ligaw tingin ko

Pag nandyan ka na

 

Nck Deezy!

‘Di na ‘ko magtataka kung madami sayong humahanga

Isa kang diwata nagkatawang tao

Yun lang ang aking hinala kay Bathala

Dinggin mo ang aking hiling na makilala ko s’ya

Ng tuluyan pang nakulitan ako’y sagutin

At kung palarin man mapagbigyan lubos na pinagpala

Taglay niyang kagandahan ay tila ba may hiwaga

At kung ‘di man mapagbigyan ay ayos lang din

Sa panaginip na lang po kahit ‘di na ‘ko magising

 

Joke lang!

Nabighani ako sa mga mata mo

Ang lakas ng amats ko

Nabighani sayo ang puso ko

 

Filipina na singkit, marikit, matalino, mabait at makulet , ey

Lakas ng ‘yong dating lahat napapailing

Mga matang singkit na ang lakas pang maka-akit

Ang ganda ganda mo oh ohh

Walang makapantay sayo oh ohh

Ang lakas ng amats ko (hey) sa dilag na tulag mo ohh oh

 

 

 

 


More on DRO