Peryodiko – Tayo Lang Ang May Alam


Tayo lang ang may alam
Nando’n sa pagitan ng paalam at pahiram
Tayo lang ang may alam
Tayo lang

Sige lang, sumayaw sa
hinihingi ng pagkakataon
Umindak sa kumpas ng kabog
ng dibdib na hindi mahinahon
‘Di niya mapapansin
‘Di ka man tumingin
Dinig ko ang bawat patak ng luha mo

Pero tayo lang ang nakakaalam
Nando’n sa pagitan ng paalam at pahiram
Tayo lang ang may alam
Tayo lang

Sige lang, ‘di mo naman
kailangan pang magpaliwanag
And’yan ako, andito kayo
sa pagitan ng mga mundo
‘Di niya mapapansin
Kung sa’n ka nakatingin
Abot-kamay, abot-tanaw
pero ‘di makagalaw

Tayo lang ang nakakaalam
Nando’n sa pagitan ng paalam at pahiram
Tayo lang ang may alam
Tayo lang

Tayo lang ang nakakaalam
Nando’n sa pagitan ng paalam at pahiram
Tayo lang ang may alam
Tayo lang

At tayo lang (tayo lang)
ang nakakaalam (tayo lang)
Tayo lang (tayo lang)
ang may alam (tayo lang)
Tayo lang (tayo lang)
ang nakakaalam (tayo lang)
Tayo lang (tayo lang)
ang may alam (tayo lang)


More on Peryodiko