Patrick Lacambacal – Nung Tumigil Tayo


Ang bilis ng pangyayari
Mga usap sa gabi
Matamis na alaala
Mga bawat saglit ng ngiti
At wag kang mag-alala
Hindi ko palalakihin pa
Dahil wala ka naman paki sa nadarama

Maaari bang magtanong
Bakit ba nangyari yon?
Pwede ko bang sabihin sa’yo?
Hinahabol ka pa ng puso ko

Ibibigay ko ang lahat para maulit ang dati
Ngunit nalilimutan ko, ikaw ang sumira sa atin
Sa lahat ng pinagsamahan, balewala lang siguro
Tumigil ang aking mundo nang tumigil tayo

Lumipas na’ng oras
Lahat ng luha’y iniwan
Sa panahon ng kalungkutan
Ang alaala mo’y kumukupas
Ngunit makita lang ang ngiti
Lahat ng ‘to ay bumabalik
Napapaisip kung ako ba’y nagkamali

Maaari bang magtanong
Bakit ba nangyari yon?
Pwede ko bang sabihin sa’yo?
Hinahabol ka pa ng puso ko

Ibibigay ko ang lahat para maulit ang dati
Ngunit nalilimutan ko, ikaw ang sumira sa atin
Sa lahat ng pinagsamahan, balewala lang siguro
Tumigil ang aking mundo nang tumigil tayo

Sa likod ng aking ngiti
Ay puno ng lungkot at sakit
Ito ba ang sinasabi nila
Pinagtagpo pero hindi itinadhana

Maaari bang magtanong
Bakit ba nangyari yon?
Pwede ko bang sabihin sa’yo?
Hinahabol ka pa ng puso ko

Ibibigay ko ang lahat para maulit ang dati
Ngunit nalilimutan ko, ikaw ang sumira sa atin
Sa lahat ng pinagsamahan, balewala lang siguro
Tumigil ang aking mundo nang tumigil tayo

Nang tumigil tayo
Nang tumigil tayo


More on Patrick Lacambacal