Pareng Elbiz – Bawal Tamarin


Bawal tamarin
Bawal tamarin
Bawal tamarin
Bawal tamarin

Bawal tamarin kung maraming bayarin
Bawal tamarin kung maraming bayarin
Bawal tamarin kung maraming bayarin
Pag inabutan ka ni Judith ikaw ay sasamain
Bawal tamarin kung maraming bayarin
Bawal tamarin kung maraming bayarin
Bawal tamarin kung maraming bayarin
Pag inabutan ka ni Jona ikaw ay sasamain

Araw-araw maaga kang gigising
Papasok sa trabaho ng di na iisipin
Kung nag-almusal ka kahit pandesal na
Walang palaman binuksan lang ta’s de pedal ka pa
Kung bumiyahe o pare bat ganito lage
Kakasawa masyado kaso bawal ang umarte
Kailangan magpatuloy sa pagkayod ng sagad
Mahirap magsipag pero bawal ang tamad
Lalo na kung pinanganak tayo na mahirap
Lumaki na mahirap tatanda pang mahirap
At kung mamamatay ring mahirap ang hirap
Ginhawa sa buhay san ka ba mahahagilap
Sa dulo ba ng bahaghari dun ba makikita
Ang mga kayamanan mga ginto’t mga pilak
O sa dulo ng pila ng istasyon sa shaw
Gusto ko ng makatakas sa sitwasyon na to

Bawal tamarin kung maraming bayarin
Bawal tamarin kung maraming bayarin
Bawal tamarin kung maraming bayarin
Pag inabutan ka ni Judith ikaw ay sasamain
Bawal tamarin kung maraming bayarin
Bawal tamarin kung maraming bayarin
Bawal tamarin kung maraming bayarin
Pag inabutan ka ni Jona ikaw ay sasamain

Ako’y empleyado bawal magreklamo
Bawal sumimangot kapag nagtatrabaho
Wala akong option kundi sundin ang boss kong
Mahilig mag-lotion ng Johnsons&Johnsons
Wala akong pang bonchon o pangkarinderia
Nagbabaon lang ng ulam yung bangus na chichirya
Dahil pagdating ng sahod wala ring natitira
Di ko pa nasilip ang payslip yung pay nagslip na
Para pangtubos sa ATM ko na nakasangla
Panghulog ko sa 5-6 sa bumbay na matanda
Panghulog sa home credit pambayad pa sa renta
O kay hirap magkwenta pag walang kinukwenta
Hanggang san nga ba aabot tong bente ko
Pwede ko bang ipangbayad ng kuryente to?
Sadyang kapos pa rin kahit anong gawin ng trabaho
Networking uhh makasali na nga ko

Bawal tamarin kung maraming bayarin
Bawal tamarin kung maraming bayarin
Bawal tamarin kung maraming bayarin
Pag inabutan ka ni Judith ikaw ay sasamain
Bawal tamarin kung maraming bayarin
Bawal tamarin kung maraming bayarin
Bawal tamarin kung maraming bayarin
Pag inabutan ka ni Jona ikaw ay sasamain

Kung ang gastos ay laging nadaragdagan
Bakit ang income ay di nararamdaman
Sabi nya dapat open minded ka kase
Sabay tanong kung jojoin na ba o sasali
Handa na kong pumatol kahit anong raket tol
Kahit labanan ko pa si Harden ng basketball
Sa panahon ngayon dapat di na maarte at paetching
Mag-oonline selling o kaya pa ending
Magbenta ng mga pampaputi sa consumer
Maging rapper, vlogger slash producer
Malaki rin daw kasi kita pag naging youtuber
Makakabili na rin ako ng fortuner
Basta sipag lang at tamang diskarte
Di bale ng mabagal basta ay umaabante
Malay mo naman diba bukas ay makatsamba
Kaya dapat ay wala kang pinapalampas na tyansa

Bawal tamarin kung maraming bayarin
Bawal tamarin kung maraming bayarin
Bawal tamarin kung maraming bayarin
Pag inabutan ka ni Judith ikaw ay sasamain
Bawal tamarin kung maraming bayarin
Bawal tamarin kung maraming bayarin
Bawal tamarin kung maraming bayarin
Pag inabutan ka ni Jona ikaw ay sasamain

Bawal tamarin
Bawal tamarin
Bawal tamarin
Bawal tamarin


More on Pareng Elbiz