PAR – Ikaw Talaga


Ang dami kong karanasan
Madaming napagdaanan
Ikaw pa rin ang hanap-hanap ko
Palagi kang nakikita
Kahit san man magpunta
Kaya alam mong ikaw na talaga

Hindi pansamantala
Wala na ngang iba

May oras na ‘di magkasundo
Meron mang pagtatampo
Alam kong sayo lang ang puso ko
Marahil nga marami pa
Sa akin ang makakita
Ngunit ang hanap ko ikaw talaga

Hindi na magtataka
Pipiliin ka

Siguro ikaw na nga ang aking mundo
Dahil saan man magpunta ikaw ang pipiliin ko
Ikaw…
Ikaw talaga

Binago mo ang buhay ko
Pinili mong mahalin ako
Kahit pa marami d’yang iba
Kahit ito’y panaginip
Mundo ko man ay nakaiglip
Kamay mo pa rin ang aking kapit

Magpakailanman
Ikaw ay hahagkan ooh

Siguro ikaw na nga ang aking mundo
Dahil saan man magpunta ikaw ang pipiliin ko
Ikaw…
Ikaw talaga

Ikaw talaga
Ikaw talaga
Ikaw talaga
Ikaw… ikaw

Ang dami kong karanasan
Madaming napagdaanan
Ikaw pa rin ang hanap-hanap ko


More on PAR