Panty Droppaz League – Feelings


[Intro]
Panty Droppaz League

Paano mo naisip na
Hindi ako nasasaktan?
Hindi porke’t sinasakyan
Ay hindi na ‘ko nasasaktan

Kung alam mo lang
Hindi mo lang nababatid
Kung alam mo lang
Kasi ‘di naman ako manhid

Kasi kung alam mo lang
Hindi mo lang nababatid
Kung alam mo lang
Na ikaw pala itong manhid

Kasi kung alam mo lang
Matagal ko nang sinabi sa iyo na ‘di ko kaya
Kasi kung alam mo lang
Kaso nga lang natatakot ako na baka sa akin mawala ka
Kung alam mo lang
Tinitiis ko na lang ang lahat kasi baka bigla mong maalala
Na tao lang ako at isa din na umaasa sa tunay na pag-ibig makalasa

Kung alam mo lang
Masakit kung iisipin na
Kailangan ko pang pilitan ka
Na sana’y iyong isipin na
Nakakasakit ka pero kailangan kong ilihim pa
Kasi nga takot ako do’n sa katotohanan
Na baka kaya mo lang na nakakayanang
Manatili pa sa akin kasi wala kang damdaming wawasakin
Paano, iniisip mo yata na ayos lang sa akin
Tao lang ako’t nasasaktan
Napapamahal kaya lahat nasasakyan
Hindi porke’t nakangiti, hindi na nasasaktan
Nag-aalala pa rin ako’t nagdaramdam
‘Di ko tuloy alam kung alam mong mahal kita
Kasi kung alam mo, ‘di mo sa ‘kin ‘to ginagawa
‘Di mo kinakayan-kayanan
Ang aking damdamin na sumusugal, lahat ay tinataya

Kasi kung alam mo lang ano ang pakiramdam ng nasasaktan
Mas maiintindihan mo ang pakiramdam ng nagmamahal
Naranasan mo na ba ang sumugal
Para sa isang relasyon nang ‘di bumigay?
Ang sa ‘kin lang, isipin mo naman ako
Hangga’t kaya ko pang tiisin ang lahat ng ginagawa mo

Kasi kung alam mo lang
Wala akong ibang maisip na idahilan
Kahit palagi mo na lang akong sinasaktan
Sa isip ko napakalabo pa rin kitang palitan
Kahit napakahirap sa ‘kin
Na ikaw ay unawain
‘Pag ‘di mo ‘ko kayang kausapin
‘Di na lang ako kumikibo
Hinihintay kong lumamig ang ulo mo
‘Pag laging nag-iinit sa ‘kin
‘Di mo lang alam ako’y nasasaktan
Kapag lagi mo na lang akong ginaganyan
Manhid ka ba o ‘di ka lang makaramdam?
Kaya ang pagmamahal ko’y ‘di mo na masakyan
Masakit sa pakiramdam ko na kahit gan’to ako sa ‘yo
‘Di naman ako nagkulang
Pero sana bago mo sabihin sa ‘kin ang lahat, naging tayo
Pero ‘di kita sinukuan

Kung alam mo lang, kung alam mo lang
Mga araw kong walang masandalan
‘Di mo lang alam, ‘di mo lang alam
Mga gabi na gusto kitang iyakan
‘Di ka naman nag-alala sa ‘king nararamdaman
‘Di mo man lang naisip na ako’y nasasaktan, palagi naman
Kinasanayan na ikaw ang laging pinagbibigyan, pilitin ko man
Ang puso ko’y ‘di maapektuhan sa ‘yo
Nandito pa rin ako (para sa ‘yo)
Kung alam mo lang, kung alam mo lang
‘Di mo lang alam, ‘di mo lang alam
Paano tayo nagkaganito?
‘Di na tayo magkasundo

Paano mo naisip na (naisip na)
Hindi ako nasasaktan?
Hindi porke’t sinasakyan
Ay hindi na ‘ko nasasaktan
Hindi mo lang alam

Ba’t ba kita nakilala?
Ba’t ba kita nakasama?
Kung ‘di naman ako nagtitiwala sa ‘yo
At okay lang sa ‘kin lahat ng gawin mo
Isipin mo naman, uuwi ka ng umaga
Bakit ngayon mo lang ba ‘ko naalala?
Akala mo siguro na hindi ako umiiyak
Kapag mag-isa lang ako sa kama
Ang tagal ko nang dinadamdam
Akala mo siguro na hindi ako nasasaktan
Sinasakyan lang kita… yeah!

Kasi kung alam mo lang
Matagal ko nang sinabi sa iyo na ‘di ko kaya
Kasi kung alam mo lang
Kaso nga lang natatakot ako na baka sa akin mawala ka
Kung alam mo lang
Tinitiis ko na lang ang lahat kasi baka bigla mong maalala
Kung alam mo lang
Na tao lang ako at isa din na umaasa sa tunay na pag-ibig makalasa

Paano mo naisip na (kaya paano mo naisip na)
Hindi ako nasasaktan? (hindi ako nasasaktan)
Hindi porke’t sinasakyan
Ay hindi na ‘ko nasasaktan (hindi nasasaktan)

Kung alam mo lang
Hindi mo lang nababatid
Kung alam mo lang
Kasi ‘di naman ako manhid

Kung alam mo lang
Hindi mo lang nababatid
Kung alam mo lang
Na ikaw pala itong manhid
Kasi kung alam mo lang…


More on Panty Droppaz League