Owfuck – Problema


walang pagibig puro talik lang namumutawi
utak ay berde araw-araw siya lumalagare
buhay nyay madrama pinapatungan ng kung ano-ano
maikling palda naka sando atat makabayo
natutong maglakad para matakasan ang gutom
ibang lahi ang biktima si nasi one bumubulong
patay sindi ang ilaw
hinuhubad kanyang saplot
naiiyak kanyang mata damdamin nyay parang takot
unti unting gumuho ang kanyang mundo
ng iniwan siya ng nanay niya sumama sa mga kabit nito
sinusuyod ang maynila
para magkapera sa dayuhan kumakapit
ang puhunan ay social media
ang pangalan nyay maria naliligaw na puta
lakad lang ng lakad para maabot ang quota
para pagdating ng araw makatakas na sa selda
di to tungkol sa kahapon at gagaya sa pamilya

[Chorus]
Tao po, tao po
dito po sa sabi nilay nakikinig
Tao po, tao po
akoy nakarating ng makati rin
Tao po, tao po
nagpapalipas lang po ng dilim
Tao po, tao po
pasilong sa agos na parating

lalaban kaba kung may nakatutok na baril
sumabog na ang aking galit tagal ko na nagpigil
ang dungis na ng ating bayan
may malayang pagkitil
sa taas ako may utang siya lang ang dapat maningil
iba ang hampas ng hangin tila may gustong iparating sakin
kung may problema ka subukan lang akong kausapin
nawawala ako subukan mo namang hanapin
nahulog na ng malalim sa bisyo
tila nakalimutan lang ni kristo
baraha ko ay ayos na kaya sige bisto
kung problema lang ay ulan sanay na ako maligo
nakakatuwa kinakanta nila mga mali ko
hindi ko na dapat sabihin to
pero kailangan ko
uh
dalhin mo ang pasasalamat ko
kasabay ng pamamaalam mo
ang pagpanaw at paglaya dito sa mundo

[Chorus]
Tao po, tao po
dito po sa sabi nilay nakikinig
Tao po, tao po
akoy nakarating ng makati rin
Tao po, tao po
nagpapalipas lang po ng dilim
Tao po, tao po
pasilong sa agos na parating

masyadong makitid
makaisa pa ay di na malaya
bawat kabog sa dibdib katumbas ay bumabaon na ligay
sa kwartong napalibutan ng kulay pulang mga rosas
sa tila nakaposas halos di na malayo ang lunas
nakulong sa pait ng nakaraang nabigo sa pag-ibig
ang gulong ay sakit na naramdaman tila tulala lang sa gilid
kahit na ipilit pagmamahal wala ng natitira
solusyon sa hapdi ng dinanas sa droga parang nakikita niya

nakita ang tama sa mali
sanay sa peke na halik pero pagasa mo sarili
nasa iyo kung gusto mong bumalik ang tapik ng tadhana
oo mapagbiro
pero kaya mo basagin
ang pagbabago di kusang dumarating
dapat na hanapin palang ganapin ang positibong
enerhiyang dapat yakapin
at palipasin ang galit natin ang kailanganin ay panalangin
habang buhay kapa gawin ang mga bagay na maganda
habang buhay kapa gawin ang mga bagay na maganda

May kakaunting liwanag na naaalinag
sinusundan ko to kahit hindi na mahagilap
nakikisilong po sa unos na parating
nagpapalipas lang po ng isang dilim


More on Owfuck