Noel Cabangon – Pag-ibig (feat. Aikee Wika)


Ano itong ating kinasasadlakan

Pangyayaring ‘di natin inaasahan

Buong mundo ay nagulat

At kailangang magkulong at mag-ingat

Kay rami nang namammatay nang walang kamalay-malay

‘Di agad pinansin sumpang tumama sa atin

Paano mapipigilan? pang-unawa’y higit na kailangan

 

Chorus:

Pagkabigo’y huwag hayaang maghari

Pawiin ang takot, ingatan ang sarili

Magtiwala sa katotohanan

Pag-ibig sa kapwa’y palaganapin

Dakilain ang mga nagliligtas sa buhay natin

Ang kanilang kaligtasa’y ating ipanalangin

Sana ang lunas ay agad dumating

Nang mundo’y bumangon at panibagong bukas harapin

 

Buong giting at tapang ‘wag kang mag-alinlangan

Papatak din ang ulan sa mundong maalinsangan

Batid kong hindi madali, madalas kasing nagagapi naaapi

subalit sa huli tayo’y magwawagi

Sabay-sabay na harapin, tanggapin, mahalin ang bawat isa

Ang galit tanggalin, pawiin ang takot na nabalot ng salot

Sa’n man umabot tandaang pag-ibig lamang ang sagot

 

Sana’y pumukaw sa ating isipan ang dulot na liwanag ng kalangitan

Nawa’y gumising sa’ting diwa’t damdamin ang mundong hinabilin

Ay dapat ding kalingain

 

Chorus:

Pagkabigo’y huwag hayaang maghari

Pawiin ang takot, ingatan ang sarili

Magtiwala sa katotohanan

Pag-ibig sa kapwa’y palaganapin

Pagkabigo’y huwag hayaang maghari

Pawiin ang takot, pag-asay mamayani

Magtiwala sa katotohanan

Pag-ibig sa kapwa’y palaganapin

 

Magtiwala sa katotohanan

 

Chorus:

Pagkabigo’y huwag hayaang maghari

Pawiin ang takot, ingatan ang sarili

Magtiwala sa katotohanan

Pag-ibig sa kapwa’y palaganapin

agkabigo’y huwag hayaang maghari

Pawiin ang takot, ingatan ang sarili

 

 

 

 


More on Aikee Wika