Nck Deezy – Torpe (feat. Acepipes)


Habang ako ay naglalakad nakatingin sa malayo

Hindi ko kagad namalayang nandyan ka pala

Tayong dalawa’y nagkabunggo

Mabilis ang kaganapan agad kitang inalalayan

Mga mata’y nagkatinginan at doon na nabighani sayo ohh

 

Napakasimple mo lang at ang lambing pa ng boses

Sa ngiti mo pa lang ay nabighani ng labis

Ikaw yung tipong ng babaeng hinahanap hanap ko

 

Gusto ka sanang yayain makasamang kumain

Nahiyang magtanong baka magalit ka sa’kin

Inuunahan ng kaba baka hindi mo ‘ko gusto

 

Ang tanong ngayo’y paano? (paano?)

Paano mapapalapit sa’yo?

Kung masyado kang maamo (maamo)

Baka isnabin mo lang ako

 

Kaya mag iisip ng plano (plano)

Kung pa’no mapapalapit sa’yo

Wag kang mag alala hindi ko

Balak na lokohin o saktan ang puso mo

 

Naglakas loob ako na kausapin ka

Bahala na kung sakin ay magalit

Sasamantalahin ko na (binibini, binibini)

Sayang baka mawala ka pa (wag na sana, no)

 

Buti na lang at mali ang hinala ko

Di ka nailang na pansinin ako

Tuloy tuloy na ating usapan

Ni hindi namalayan na oras lumilipas lalo na

 

Kapag kausap kita oo may kakaiba

Malambing na medyo mahinhin magsalita

Ikaw yung tipo ng babae na pinapangarap ko

 

Kaso kabado pa rin baka  hindi ka pumayag

Ihatid ka pauwi sa inyo

Inuunahan ng kaba baka hindi mo ko gusto

 

Ang tanong ngayo’y paano? (paano?)

Paano mapapalapit sa’yo?

Kung masyado kang maamo (maamo)

Baka isnabin mo lang ako

 

Kaya mag iisip ng plano (plano)

Kung pa’no mapapalapit sa’yo

Wag kang mag alala hindi ko

Balak na lokohin o saktan ang puso mo

 

Pa’no mapapalapit sayo

Bakit sa’yo handang gawin kahit ano

Badtrip na ‘to pero sa’yo malabong magalit ako

 

Walang araw na pangit nakaka akit

Parang anghel sa langit

Makakamit ka ba o mababasted sa’yo

 

Kahit may pang budget na’ko

Takot mag set ng date kahit saglit

Laptrip walang silbi wallet na ‘to

 

Hanep kahit anong gawin palit damit

Astig pa rin sayo

Sa ganda mo ay nadagit ako

(Sa ganda mo ay nadagit ako)

 

Ano ba dapat gawin napakabigat

‘Di ko na kayang dalhin

Mga nadarama ko na malayo sa’yo

Pa’no ko maipaparating

 

Ayoko ko nang palalain

Pero di makaiwas kahit tangkain

Walang magagawa umaasang baka sakaling

Mapansin mo rin at mahalin

 

Ang tanong ngayo’y paano? (paano?)

Paano mapapalapit sa’yo?

Kung masyado kang maamo (maamo)

Baka isnabin mo lang ako

 

Kaya mag iisip ng plano (plano)

Kung pa’no mapapalapit sa’yo

Wag kang mag alala hindi ko

Balak na lokohin o saktan ang puso mo

 

Ang tanong ngayo’y paano? (paano?)

Paano mapapalapit sa’yo?

Kung masyado kang maamo (maamo)

Baka isnabin mo lang ako

 

Kaya mag iisip ng plano (plano)

Kung pa’no mapapalapit sa’yo

Wag kang mag alala hindi ko

Balak na lokohin o saktan ang puso mo


More on Acepipes