Munimuni – Minsan


Minsan sa may kalayaan tayo’y nagkatagpuan
May mga sariling gimik
At kanya-kanyang hangad sa buhay
Sa ilalim ng i-isang bubong
Mga sekretong ibinubulong
Kahit na anong mangyari
Kahit na saan ka man patungo

[Pre-Chorus]
Ngunit ngayon
‘Kay bilis maglaho ng kahapon
Sana’y huwag kalimutan
Ang ating mga pinagsamahan

[Chorus]
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin na
Minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan

[Verse 2]
Minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin
Inuman hanggang sa magdamag
Na para bang tayo’y mauubusan
Sa ilalim ng bilog na buwan
Mga tiyan nati’y walang laman
Ngunit kahit na walang pera
Ang bawat gabi’y anong saya

[Pre-Chorus]
Ngunit ngayon
‘Kay bilis maglaho ng kahapon
Sana’y huwag kalimutan
Ang ating mga pinagsamahan

[Chorus]
At kung sakaling gipitin
Ay laging i-isipin na
Minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan

[Verse 3]
Minsan ay hindi mo na alam ang nangyayari
Kahit na anong gawin
Lahat ng bagay ay merong hangganan
Dahil ngayon
Tayo ay nilimot ng kahapon
‘Di na mapipilitang
Buhayin ang ating pinagsamahan

[Outro]
Kung sakaling mapadaan
Baka ikaw ay aking tawagan
Dahil minsan tayo ay naging
Tunay na magkaibigan


More on Munimuni