Moonstar88, Squid 9, Bente Dos, Kjah – Naantala (Squid 9 Version)


Tulala lang ako sa aking bintana

Sa silid ko na walang nakakakita

Pati mga tala ‘di nagpapakita

Pag masdan mo ang mundo tila ba lumuluha

Ang dalang hiwaga ay nakakasima

At tiba-tiba-tiba lahat ng mandaraya

Nakakahawa, nakakasawa, nakakaawa

Dala-dala nila pati ating bandila

Nangungulilang mga alilang

Tila bang parusa na walang sukdulan

Bilang magulang ayaw magkulang

Pwede bang pigilan sandali ang iyong pagsilang

Nakaka-ilang beses na akong nagdarasal

Hanggang kailan pa ba ito na magtatagal

Hindi naman ako sayo na nag-aangal

Alam ko naman kung gaano ako kahangal

Ikaw lang ang nag-iisang mahal

 

Samantala, naantala

Nangangarap na lumaya

 

Bawat pag ngiti raw ay mayroong kapalit

Kung nais lumigaya ay masanay sa sakit

Kahambing ng madilim na dako at liblib

Batid na masukal ngunit dun ka pilit sumisiksik

Sino bang nagsabing sulit ang paghihintay

Kung sa huli ay ‘di mo rin mapapasakamay

Walang talab ang gamot pangontra sa lumbay

Kung ang tamang medisina, rason ‘bat ‘di mapalagay

Kahit ilang tanong na “kung bakit?”

Kapalaran mo’y kay pangit

Hanggang anit man ang galit

Ay walang respondeng malinaw ang papawi

Kundi ang pangungumbinsing maging positibo lang lagi

Ang buhay nakadisenyong mawasak at buuin

Tuwing aasa ka asahan mong mabibigo ka rin

Pag hindi handa’y ibabaon ka ng duda’t hinala

‘Wag palaging magsaya ng ang saya ‘di maantala

 

Samantala, naantala

Nangangarap na lumaya


More on Bente Dos