Moira Dela Torre – Paubaya


Saan nagsimulang magbago ang lahat
Kailan nung ako’y ‘di na naging sapat
Ba’t di mo sinabi nung una pa lang
Ako ang kailangan, pero ‘di ang mahal

Saan nag kulang ang aking pagmamahal
Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang
Ba’t ‘di ko nakita na ayaw mo na
Ako ang kasama, pero hanap mo siya

Chorus:
At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sakanya
‘Wag kang paluhain
at alagaan ka niya

Saan natigil ang pagiging totoo
Sa tuwing mababanggit na mahal mo ako
Ba’t ‘di mo inamin na merong iba
Ako ang kayakap, pero isip mo siya

Chorus:
At kung masaya ka sa piling niya
Hindi ko na pipilit pa
Ang tanging hiling ko lang sakanya
‘Wag kang paluhain, at alagaan ka niya

Bridge:
Ba’t ‘di ko naisip na merong hanggan
Ako yung nauna, pero siya ang wakas

Chorus:
At kita naman sa ‘yong mga mata
Kung bakit pinili mo siya
Mahirap labanan ang tinadhana
Pinapaubaya,
Pinapaubaya
Pinapaubaya ko na sakanya


More on Moira Dela Torre