Moira Dela Torre – Paalam

Pag-asa nasaan ka
Ba’t sumama sa paglisan niya
Kung babawiin ang mga nasabi
Babalik ba sa’king tabi?

Ohhh…
Ohhh…

Saan ba magsisimula
Kung ako’y umaasa pa
Naniniwala sa’yong pangako
Na hinding-hindi susuko

Ba’t ‘di man lang nagpaalam
O ‘di lang ikaw yung nasaktan
Hindi pa ba sapat
Nung binigay ko ang lahat
Paalam

Pagbigyan ang aking tugon
‘Wag iwan sa imahinasyon
Kahit na huling sulyap na lamang
Malaman lang na ‘di nagkulang

Ba’t ‘di man lang nagpaalam
O ‘di lang ikaw yung nasaktan
Hindi pa ba sapat
Nung binigay ko ang lahat

Ba’t ‘di man lang pinaalam
O ‘di lang ikaw yung nasaktan
Hindi pa ba sapat
Nung binigay ko ang lahat
Paalam
Paalam
Paalam
Paalam

Paalam
Sa ating nakaraan
Paalam
Sa mga pinagsisihan
Paalam
Sa aking nadarama
Paalam
Kaya ko na ng wala ka

Paalam
Sa naging pagmamahalan
Paalam
Sa mga pangakong naiwanan
Paalam
Wala na ‘kong pagsisisihan
At sa wakas ay kakalimutan

At kahit ‘di nagpaalam
‘Di bale na kung nasaktan
Ika’y naging sapat
Kahit tinapon ang lahat
Paalam


More on Moira Dela Torre