Moira Dela Torre – Kita Na Kita


Una kitang nasilayan, di kita nakita
Lumampas ng tingin
Kung nagsasalita lang ang hangin
‘Di nag dal’wang isip
Agad ka sanang napansin

Kita na kita
Pasensya ngayon lamang
Isang saglit lang ba’ng tagpuan ang mababalikan?

Sa isang iglap ay nabitawan
Lahat ng kinatakutan
Nung tumingin ka sa akin
Pangalawang pagkakataon sana
Pero ‘di natin nakita
Nanakawan ng saglit

Kita na kita
Pasensya ngayon lamang
Isang saglit lang ba’ng tagpuan ang mababalikan?
Kung kelan nandyan na
Dun ka pa lumisan
Isang saglit lang ba’ng tagpuan ang mababalikan?

Pangatlo, pang-pito, pangsampung pagkakataon
Ngunit isang saglit lang ang kinailangan ko
Upang maintindihan ikaw ang hinahanap ko
Isa, dalawa, tatlo

Kita na kita
Pasensya ngayon lamang
Isang saglit lang ba’ng tagpuan ang mababalikan?
Kahit wala ka na
Ikaw parin ang hanap
Isang saglit na habang buhay ang mababalikan


More on Moira Dela Torre