Moira Dela Torre – Anong Nangyari Sa Ating Dalawa

Ikaw ang pinangarap
Ikaw ang hanap-hanap
Ngunit bakit nagbago ang lahat
Ang init ng pagmamahal
Parang naging salat

Pangako habangbuhay
Nangakong di magwawalay
Ngunit bat lumamig pagmamahal
Parang di na ikaw
Sa maykapal ang dinasal

Anong nangyari sa ating dalawa
Akala ko noon tayo ay iisa
Ako ba ang siyang nagkulang
O ikaw ang di lumaban
Sa pagsubok sa ating pagmamahalan

Anong nangyari sa ating dalawa
Pagmamahal ngayo’y bakit naglaho na?
Damdamin ay nasasaktan
Puso’y nasusugatan
Pangako mong pagmamahal ngayon ay nasaan

Nasan ang sumpaan
Akala ko ay walang hanggan
Ngunit bakit ngayo’y nasasaktan
Hanggang dito nalang ba
Ang ating walang hanggan

Anong nangyari sa ating dalawa
Akala ko noon tayo ay iisa
Ako ba ang siyang nagkulang
O ikaw ang di lumaban
Sa pagsubok sa ating pagmamahalan

Anong nangyari sa ating dalawa
Pagmamahal ngayo’y bakit naglaho na?
Damdamin ay nasasaktan
Puso’y nasusugatan
Pangako mong pagmamahal ngayon ay nasaan
Anong nangyari?


More on Moira Dela Torre