Moira Dela Torre – Ang Iwasan


Saan ba titingin pag nandyan ka na
Magkukunwari nanaman bang di kita kilala
O pwede bang
Kahit isang sulyap manlang

Pipikit nalang ba o magkukunwaring
Di ako nasasaktan pag di mo pinapansin
O iiwas nalang ulit
Di naman matago ang sakit

Kaya patawad
Kung lalayo na muna
Di pa kase kayang
Makita ka

Pano bang burahin ating ala-ala
At tuluyang palayain ang akalang tadhana
O saan ba nag simula
Kung tago ating pagkawala

Kaya patawad
Kung lalayo na muna
Di pa kase kayang
Makita ka

Makita kang masaya
Habang ako’y di makalaya
Mahal, patawad
Kung mahal parin kita

Oooohhh

Nakikita kita kahit pa nakapikit
Kailangan bang mahirap, o ang sakit sakit
Nakikita kita pero titikom muna ang bibig
At baka may masabing di mo pwedeng marinig

Kaya patawad kung mahal parin kita
Kahit nalaman, na may mahal ka nang iba


More on Moira Dela Torre