Miss Ramonne – Agsardeng


Halik mo’y salubong sa bagong araw
Saglit kang lilisan, kakayod muli
Gabi ay sasapit sa’yong pagbalik
Hapo’t problemado wala na bang bago?

Kaya pa naman, tatahimik lang ako’y uunawa
Sika, sika ti biag ko
Kahit mapaso sa mainit mong ulo
Sanay na sanay na ako

Kayat, kayat ka
Sinag sa umagang ngiti ang dala
Kayat, kayat ka
Yakap ang pangakong lumatay sa aking puso
Ayat nga haan nga agsardeng

Halik sa pasa ko nung bandang hapon
Regalong binalot, kapalit ng mga galos
Lunas ang kalmadong tinig sa takot
“Pasensya,” ang sabi “Di na mauulit.”

Kaya pa kaya, tatahimik ba’t sayo’y uunawa
Sika, sika ti biag ko
Laging may paso sa mainit mong ulo
Sanay na sanay na ako

Kayat, kayat ka
Dilim man ng langit ay nagbabadya
Kayat, kayat ka
Yakap ang pangakong lumatay sa aking puso
Ayat nga haan nga agsardeng

Ti biag ko nu awan ka ditoy
Pero sa alak ka lango, dugo’y kumukulo, sabay ng bagyo
Apay, basol ko aya daytoy nga ay-ayaten ka?
Kahit galit at suntok, sugat at putok ang sinasanto?
Panahon na siguro na manalamin
Dahil lumilinaw na, pipiliin na ang sarili kong damdamin

Kayat, kayat ka
Ngunit upos na ang aking pagsinta
Haan, haan na
Magpapagapos pa ang puso kong dati’y sa’yo
Awanen, awanen
Uston datoy
Liwanag ng pag-asa ay natatanaw
Uston datoy
Ligaya ang dama sa’king pusong lalaya ngayon
Agpakada paalam sa’yo


More on Miss Ramonne