Mikee Misalucha – Uyayi


Tulog na munting sanggol
Tumabi na’t yumapos
Ipikit ang ‘yong mata
Wag matakot, wag mangamba
Pakinggan ang tinig ko
Itong uyayi’y para sayo

Sa gabing malamig ika’y yakap yakap
Ng isang anghel na nahulog sa lupa
Mga mata niyang munti
Sa gabi’y ngumingiti

Sa mundong mapanglaw siya’y nagbigay ilaw
Sa masakit na bukas ay siya’ng tanging lunas
Dalisay ang kanyang ngiti
Siya lamang ang tinatangi

Sa gabing malamig siya’y umaawit
Parang anghel na iniwan ng langit
Mga matang niyang munti
Sa gabi’y nagmamasid

Aking ilaw, siya’y nasilaw
Sa kadiliman ng buwan siya ay naligaw
Takot ang nanaig sa pusong inagaw

Sa gabing malamig ika’y yakap yakap
Ng isang anghel na nahulog sa lupa
Mga mata niyang munti
Sa gabi’y ngumingiti

Sa mundong mabagsik siya ay sinilang
Ang puting buwan ang siyang tanging kanlungan
Mga matang niyang itim
Maghahasik na ng lagim

Aking ilaw, siya’y nasilaw
Sa kadiliman ng buwan ika’y naligaw
Takot ang nanaig sa pusong inagaw
Ngunit ang pagibig ang siyang ng halimaw
Ang kadiliman ng mundo ay tanging ikaw


More on Mikee Misalucha