Mike Kosa & Jskeelz – Dating Gawi


Bago Ka muna Mamuna Aralin Munang Bumuga
ng Dekalibreng Kataga , Na Imposibleng Mabura
sa Pandineg ng Mga Bago’t Beteranong nauna
Nag iisa lang Ang “Mikekosa” na Gumawa ng Sakuna
Dito sa Hiphop Ang Lahat Biglang Tumingin
Nagulat sa Isang makatang may dilang Matalim
Kaya nga Pls Wag mong I diss ang mabangis
Direcho pag sumentro At bibihirang dumaplis
Pag tumirada ng Harapan , Lalaban hanggang Apatan
Heto bagong Kaganapan na ngayon ay nalapanan namin
Di ka Parin aamin Na bumilib ka sa akin
na kaya kanang Basagin ng mga Letra kong sinalin
Alam ko na darating At aming Kaya Di kami nagmamadali
Mga Di makatiis Kaya Nagmamabilis madalas tuloy nagkakamali

Chorus:
Sa Dami ng mga bumangga Hindi pa din kami nagapi
Sa Halip ay lumaban sa mga Kalaban di kami umuwing sawe
Mas matigas Mas malakas Na di kayang tapatan ng salapi
Makabagong Ambag na aming nilimbag na May temang “Dating Gawe”

Dating gawe na naman ako’y muling aasinta,
Ng mga obra na hindi nyo pa naipinta

Muli na naman pauusukin ang eksena,
Ako na naman ang magtitimon sa pag balatengga (come on!)

Taon-taon may kanta na pinapasikat
Pagod na ang kartero sa dami kong naisulat

Dinaig ko pa mga Pari pag ako na ang nangaral
At nagagawang makata ang batang di nakapag-aral

Kung pano ba sumulat malaliman pag sumugat,
Kahit sino ginugulat para bang Bombang sasambulat

And this is my Solution, my Lyrical Execution
Nakatala at may Lagda sa 187 Resolution

Gagawing mas matigas ang letrang lalabas na di kayang tapatan ng salapi

Makabagong ambag na aming nilimbag na may temang Dating-Gawe …..

Chorus:
Sa Dami ng mga bumangga Hindi pa din kami nagapi
Sa Halip ay lumaban sa mga Kalaban di kami umuwing sawe
Mas matigas Mas malakas Na di kayang tapatan ng salapi
Makabagong Ambag na aming nilimbag na May temang “Dating Gawe”

Tara Kosa ako na mismo ang magkakasa,
Oras ng magpaputok Kalabitin mo na

Titiyakin namen na sa pinaka sentro ng kultura
Tatama ang bawat Bala ng aming Letra

nakapalupot Na Kable Nang Mikropone
Ilabas ang boses Bumubugang bunganga ng Dragon
sa Seldang to akoy mayores
Ang boses koy batas Sa lahat ng aliping Alipores

Presong walang posas na gumugol na ng oras sa Tula,
At makatang Arkitekto daw sa pag Tugma
Na pag sinala at kinatas
Isang awiting napakalakas na may Perpektong pagkalikha

Mga Tulog ay Gigisingin ,
Baradong tenga ay aming bubulabugin pagkatapos ng lutuin Aming ihahain
Oras na Upang kayo ay aming Gambalain

Chorus:
Sa Dami ng mga bumangga Hindi pa din kami nagapi
Sa Halip ay lumaban sa mga Kalaban di kami umuwing sawe
Mas matigas Mas malakas Na di kayang tapatan ng salapi
Makabagong Ambag na aming nilimbag na May temang “Dating Gawe”


More on Jskeelz