Michael Rodriguez – Sa Tabi Ko


Naaalala mo pa ba ang iyong mga sinabi
Kahapon nang ako’y iyong kasama
‘Di ba napakatamis ng mga ngiti sa iyong labi
Sa tuwing ako’y iyong makakausap

Subalit ngayon
Para bang nagbago na ang panahon
Nandito lang ako

Naghihintay sa ’yong pagbabalik
Ako’y nandito lang sa ‘yo’y nananabik
Makasama kang muli
Sa tabi ko

Naaalala mo pa ba ang iyong mga sinabi
Ang nais ko ikaw ay lumigaya
Sa paglisan mo ay asahan mong
Pag-ibig ko’y hindi magbabago

Kahit ngayon
Para bang nagbago na ang panahon
Nandito lang ako

Naghihintay sa ’yong pagbabalik
Ako’y nandito lang sa ‘yo’y nananabik
Makasama kang muli
Sa tabi ko

Iingatan ka at ikaw ay mamahalin
Sa tabi ko
Mga luha mo ay aalisin
Sa tabi ko
Pangarap ay muling mabubuo
Sa tabi ko ay ‘wag ka sanang lumayo

Naghihintay sa ’yong pagbabalik
Ako’y nandito lang sa ‘yo’y nananabik
Makasama kang muli
Sa tabi ko, sa tabi ko

Naaalala mo pa ba ang iyong mga sinabi
Ang nais ko ikaw ay lumigaya
Sa tabi ko


More on Michael Rodriguez