Michael Dutchi – Wala Ka Na


Sa dami ng pinagdaanan
Bakit ngayon mo pa naisipan, ako’y iwanan
Gabi-gabi na lang akong nalalasing, lumuluha
Sa bawat oras, dahil wala ka na

Nagtatanong, nagtataka
Kung bakit ba lumisan ka
Gumising na ako’y nag-iisa

Wala na pala akong kasabay na uuwi
Dati-rati kasabay kang tatawid
Wala na palang mag-aalala tuwing nalalasing
Dati-rati may nagsasabi

Wala na pala yung dating ikaw at ako
Na parating nandyan sa aking tabi
Wala na pala yung dating mainit na gabi
Na palaging may yakap at halik

Diba dati naman nandito ka
Nasanay mo ang puso kong kasama ka
Diba dati naman nandito ka
Nasanay mo ang puso kong kasama ka hahaaa…

Kung saan saan na kita hinahanap
Tila nawalan ng gana ang tadhana
Humihiling, nakatingala sa bituin
Hinihiling na sana bumalik ka
Ramdam ko nang hindi na para sa’kin
Pwede mo naman itong sabihin
Kung bakit ba gumising ako ng maaga na
Sa iba ko pa nalaman na ayaw mo na pala

Hinihintay…

Wala na pala akong kasabay na uuwi
Dati-rati kasabay kang gumigimik
Wala na pala akong kasabay na maglalakbay
Hawak ang ‘yong kamay sa langit tinatangay

Wala na pala yung dating ikaw at ako
Na parating nandyan sa aking tabi
Wala na pala yung dating mainit na gabi
Na palaging may yakap at halik

Diba dati naman ay wala ka
Diba dati naman na akong sanay ng mag-isa
Diba dati naman ay wala ka
Diba dati naman na akong sanay ng mag-isa

Wala ka na

 

🙂


More on Michael Dutchi Libranda