Meg Zurbito – Paalam


Sinulat ko itong kanta upang malaman mo na

Sakit na idinulot mo ay nandito pa rin sa puso ko

Sinulat ko itong kanta para ipagbatid sayo na

Poot at galit ay nanatili pa rin sa puso ko

Pero wala na ang pagmamahal

Kaya’t pasensya ka na kung ikaw ay aking minahal

 

Paalam na, hanggang sa muli

Paalam na, sana sa muli ‘di mo na ako iiwanan pa sa huli

 

Naaalala mo pa ba nung sinabi mo na

Tayo lang dalawa hanggang sa dulo ng mga salita

Siguro nasabi mo lang nung ikaw at ako ay lumilipad, nangangarap

Pero wala na ang pagmamahal

Kaya’y pasensya ka na kung ikaw ay aking minahal

 

Paalam na, hanggang sa muli

Paalam na, sana sa muli ‘di mo na ako iiwanan pa sa huli

 

(‘wag na ‘wag mo na akong iiwanan) sa huli

(‘wag na ‘wag mo na akong bibitawan) sa huli

(‘wag na ‘wag mo na akong iiwanan) sa huli

(‘wag na ‘wag mo na akong bibitawan) sa huli

(‘wag na ‘wag mo na akong iiwanan) sa huli

 

‘Wag na ‘wag mo na akong iiwanan, ‘di na rin kita kasi babalikan

Paalam, paalam, nais ko lamang sa iyo ipaalam na

Sinulat ko itong kanta, upang malaman mo na

Sakit na idinulot mo ay nandito pa rin… sa puso ko

 


More on Meg Zurbito