Max Importunate – Kalma Lang (feat. Marc Arroyo)


Mga titig na tagos sa harapan

‘Di ko rin alam kung ‘bat kita sinusundan

Ah basta alam ko lang base sa’king nararamdaman

Imortal na ang pag-ibig na walang katapusan

 

Tinamaan na ako at ikaw ang nakalamang

Ako ba ay alanganin sa daming nakaabang

Unang araw to ng petsa handa na aking suot

Sawa na sa mga tanong bigyan mo na’ko ng sagot oh

 

Kailangan balanse para bang seesaw

Di kalangitan ang tawag dito paraiso

Isang babae na di madala sa mga libo

Pareho tinamaan sabay tayong mahihilo

 

Basta kalma, wag kang mangamba

Di ka masasaktan pa, sabay ka lang sa kantang parang harana

Sana lang hindi na manakawan , maiwanan, masawi

Makilala ko si tita, di naman sa ako’y nagmadali

Pero nais bumisita nang ika’y makita tapos hindi na umuwi

Diretso na sa kasalan magtawag ka ng pari

Dahil alam naman tayo parin sa huli

 

Kahit parang alanganin tayo

Ang sa akin lamang  walang sukuan

Nais ko lang na sabihin sayo

Na kumapit sa aking nararamdaman

 

Puso mo kailan mo bubuksan?

Dito na ako sa labas ng pinto

Sa bawat araw na sabik na ika’y mahagkan

Malayo pa ako na huminto

At maghihintay pa rin ako sa iyong oo

Kahit parang lagi lang kitang naiisturbo

Lagi lang nandito nakaabang

Bawat hakbang ako’y alisto, sabik sa halik mo

 

Walang ititira lahat itataya

Kahit di alam ang tapos, simula sa simula

Basta kalma lang

 

Basta kalma  wag mangamba

Di na masasaktan pa, sabay ka lang sa kantang parang harana

Sana lang hindi na manakawan, maiwanan, masawi

Makilala ko si tita , di naman sa ako’y nagmadali

Pero nais bumisita nang ika’y makita tapos hindi na umuwi

Diretso sa kasalan magtawag ka na ng pari

Dahil alam naman nating tayo pa rin sa huli

 

Kahit parang alanganin tayo

Ang sa’kin lamang walang sukuan

Nais ko lang na sabihin sayo

Nang kumapit sa’king nararamdaman

 


More on Max Importunate