Mark Carpio – Hiling

Ito ay isang dalangin
Huwag sanang ipagkait
Matagpuan na ang hanap
Na pangarap…
Na pangarap…

Kasalanan nga bang umibig?
Parusang lungkot ang hatid
Lamig ng hangin ang yakap
Tuwing gabi…
Tuwing gabi…

Pinipilit mang itago
Hindi kayang maglaho
Ang mga katanungang tulad ng…

Bakit parang sa’kin lamang may galit
madayang tadhanang iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling?

Lumilipad ang aking isip
Bigla na lang napapailing
Wala na ngang mapagtuunan
Ng pansin…
Ng pansin…

Pinipilit mang itago
Di kayang maglaho
Ang mga katanungang tulad ng…
Tulad ng…

Bakit parang sa’kin lamang may galit
Ang madayang tadhanang iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling?

Nakahanda ang puso
Kahit pa ako ay masaktan

Kung sino man para sa’kin
Di ko sasayangin
Madayang tadhana iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling?

Kung sino man para sa’kin kahit magalit
Oh madayang tadhana iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling?


More on Mark Carpio