Marione & Toma Cayabyab – Ngayong Pasko


Lumalamig
Ang simoy ng hangin
Nananabik sa yakap mo’t mga halik
Ngayong Pasko, pwede ka bang mapasaakin
Oohh…

Nangingining ang buong paligid
Kung tatanungin, isa lang naman aking hiling
Ngayong Pasko, pwede ka bang mapasaakin
Oohh…

Madaliin ang pagdating
O ‘di ko na kaya pang hintayin
Ikaw lang naman ang nais makapiling ko
Dumito ka na sa ‘king tabi
Hindi ko na maikukubling
Surpresa ko pagsapit ng hatinggabi
Ohhh…

Kinikilig
Tuwing ‘kay naiisip
‘Di mapakali
Sabik sa bawat sandali
Ngayong Pasko, pwede ka bang mapasaakin
Oohh…

Naririnig na ang mga awitin
At karoling, pero ‘di ko ‘to napapansin
Basta ako, nais kitang mapasaakin
Oohh…

Mmm…
O huwag mo nang patagalin
Hiling ko sa langit at bituin
Ikaw lang naman ang nais makapiling ko
Dumito ka na sa ‘king tabi (dumito ka na)
Hindi ko na maikukubling (hindi ko na kaya)
Surpresa ko pagsapit ng hatinggabi
Ohh…

Lumalamig (lumalamig)
Ang simoy ng hangin
Nananabik sa yakap mo’t mga halik
Ngayong Pasko, pwede ka bang mapasa akin
Sana ika’y mapasaakin
Sana ikaw ay maging akin


More on Marione