Marione – Mahal Kita Ngayon

marione lyrics

Malalim ang gabi
Kasama kita
Tayo lang dalawa
‘Di kailangang magsalita

Kagat ng labi
Patago mong ngiti
Wala nang ibang kailangan pa
Kundi ang ‘yong halik

‘Di ko alam kung saan ‘to patungo
‘Di ko alam kung dapat bang mahulog
‘Di ko alam kung tayo hanggang dulo
Alam ko lang mahal kita

‘Di ko alam kung tayo’y maglalaho
‘Di ko alam kung mundo ko’y guguho
‘Di ko alam kung bulag lang ang puso
Alam ko lang mahal kita ngayon

At ang paligid
Nababalewala
Dahil nasa ’yong mga mata
Ang langit at mga tala

Tibok ng dibdib
Nakaw na halik
Ako at ikaw hanggang araw
Ay sumilip

‘Di ko alam kung saan ‘to patungo
‘Di ko alam kung dapat bang mahulog
‘Di ko alam kung tayo hanggang dulo
Alam ko lang mahal kita

‘Di ko alam kung tayo’y maglalaho
‘Di ko alam kung mundo ko’y guguho
‘Di ko alam kung bulag lang ang puso
Alam ko lang mahal kita ngayon

Ngayon, ohh… ohh…
Ngayon, ohh… ohh…
Ngayon, ohh… ohh…
Mahal kita ngayon
Ngayon, ohh…ohh…
Ngayon, ohh…ohh…
Ngayon, ohh…ohh…

‘Di ko alam kung saan ‘to patungo
‘Di ko alam kung dapat bang mahulog
‘Di ko alam, ‘di ko alam
Alam ko lang
Mahal kita ngayon


More on Marione