Manica – Seryosohan


Dapat mong malaman ito’y seryosohan

Ang bawat kaganapan gawing totohanan

Ang nakakalito sana ay wag kang magloko

Pwede bang ganon?

Dapat mong malaman ito’y seryosohan

Ang bawat kaganapan gawing totohanan

Ang nakakalito sana ay wag kang magloko

Pwede bang ganon?

Wag na lang nating pilitin kung hindi ka pa panatag maging tayo

Pero sana ay wag mo kong sisihin kung bigla sa iba na ko makisalo

Ika’ y hahayaan na mamili pa kung sa sakin hindi ka pa sigurado

Kaso hindi ko na rin matagalan ang mga pambobola mo’t mga haranang sintunado

Pangako mo sakin tila natabunan kaya ako’y natauhan

Sa kabila ng malabong usapan bawat katanungan ay wala pa ring kasagutan

Nagsawa ng mapangakuan walang katinuan

Ang dami na nating pinagdaanan wala kang natutunan

Sa lahat ng ito sana maintindihan mo

Paalala lang di ako obligado na sagutin ka ng oo

Kahit na magulang ko sayo’y boto kahit na ang porma mo pa ay todo

Ang datingan ay mala Vic Sotto

Magpakatotoo ka lang kung mamahalin mo ko

Dapat mong malaman ito’y seryosohan

Ang bawat kaganapan gawing totohanan

Ang nakakalito sana ay wag kang magloko

Pwede bang ganon?

Dapat mong malaman ito’y seryosohan

Ang bawat kaganapan gawing totohanan

Ang nakakalito sana ay wag kang magloko

Pwede bang ganon?

Alam kong di mo pa alam kung ano ba talaga ngayon lagay natin

Dahil sa tuwing ikaw ay tatanungin ang laging mga sagot mo sakin ay alanganin

Ka na parang merong pangamba bat nababahala tuwing magkasama

Laging taranta lasing ka ata kawalang gana nakakasawa

Bakit ka ganon ang dami na nilang payo

Kaso ang hirap talaga na magtiwala

Dahil sa mga pinapakita mo sa akin hindi mo ko masisisi kung ako ay maghinala

Puro pandaraya lahat ng gawin tila ang mga pinapakita mo ay mahiwaga

Parang may iba na nakaabang kada mapapadaan sa harap pag

Sabay tayong dumadaan sa karamihan ramdam ko meron kang kalandian

Kaya tumatak saking isipan ang lahat ng iyong kamalian

Magawa mo pa kayang mag-alala sakin na parang di mo kayang mawala

Ngayon babalik ko sayo yang tanong mo at sabihin mo sa akin kung gano ko sa iyo kahalaga

Dapat mong malaman ito’y seryosohan

Ang bawat kaganapan gawing totohanan

Ang nakakalito sana ay wag kang magloko

Pwede bang ganon?

Dapat mong malaman ito’y seryosohan

Ang bawat kaganapan gawing totohanan

Ang nakakalito sana ay wag kang magloko

Pwede bang ganon?


More on Manica