Malupit x Sixth Threat – Tagumpay


Wag maingay kapag naghihimay
Tagumpay lang ang siyang mag-iingay
Wag maingay kapag naghihimay
Hahayaan na tagumpay lang ang siyang mag-iingay
Wag maingay kapag naghihimay
Tagumpay lang ang siyang mag-iingay
Wag maingay kapag naghihimay
Hahayaan na tagumpay lang ang siyang mag-iingay

Ihip ng hangin
Para yatang di pabor sa akin
Kinaya bawat pasanin
Pero medyo may pagka alanganin
Sa bigat di mo kayanin
Pagsubok na inihain
Sapagkat may panalangin
Bagama’t sa lahat may dapat pang galangin
Di sapat at kukulangin
Kung ikaw ay gugulangin
Ang sagot sa mga dalangin
Ay biglaan ka na lang gugulatin
Malulunod ka sa lalim
Malang susunod kang hhihilahin
Ang lahat bago aralin
Sarili dapat munang kilalanin
Sa layo ng lalakarin
Bibihirang papalarin
Handa kang patatawarin
Basta wag mo lang paaasahin
Di na kailangang basahin
Di ka na papasa sakin
Sakaling di ka mapapa sakin
Sisindihan at ipasa sa akin
Isipan lang ay wawasakin
Kalungkutan lang wawasak sa akin
Mawala man lahat basta di lang ikaw
Kasi baka di ko kakayanin
Lahat ay aking hahamakin
Kahit saan ikaw ay hahanapin
Hirap ay kakayanin
Hanggang tagumpay ay mapapa sa atin

Wag maingay kapag naghihimay
Tagumpay lang ang siyang mag-iingay
Wag maingay kapag naghihimay
Hahayaan na tagumpay lang ang siyang mag-iingay
Wag maingay kapag naghihimay
Tagumpay lang ang siyang mag-iingay
Wag maingay kapag naghihimay
Hahayaan na tagumpay lang ang siyang mag-iingay

Tandang tanda ko pa
Nung hinangad ko ang maging pinaka, diba
Talagang ramdam ko pagdududa
Sa likod ng titig nila
Animo’y hamon kung iniisa
Isa tila bigla na lang isip nila
Nag-iiba na alam kong may natitira pa
Kaya sige bira lahat tinangkang suongan
Kahit minsan medyo kulang
Walang labang inurungan lahat aking pinuruhan
Pinulutan, mga tao lagi na ‘kong tinutukan
Ilang beses tinulugan pero di ko sinukuan
Basta wag lang dumating ang araw manghinayang sa sarili
Na kung bakit di ko sinubukan
Marahil nga’y minsan hirap magtimpi
Sa mga nakakarindi ninyong kwento
Sa likod ko na tanging kayo kayo rin pumapatay sindi
Aba wow tindi, anong para sa kultura ha!
Yan na lang ba lagi G?
Lagi na lang charity?
Wag mo kong sumbatan!!! Lumaki ako sa gigs na walang talent fee
Ano!!! Daming nais makasingit dyan
Tutulungan ka sabay iyong pag-igihan ha!
Tapos pag nag ingay ika’y pag-iinitan
Yung tulong binibigay hindi binibilang
Na kapag kumita mayabang agad pag bumida
Minsan galing pa sa naturingan mong kaibigan
Tandaan mo di lahat may ambag sayo gasolina kaya!!!

Wag maingay kapag naghihimay
Tagumpay lang ang siyang mag-iingay
Wag maingay kapag naghihimay
Hahayaan na tagumpay lang ang siyang mag-iingay
Wag maingay kapag naghihimay
Tagumpay lang ang siyang mag-iingay
Wag maingay kapag naghihimay
Hahayaan na tagumpay lang ang siyang mag-iingay

Wag maingay kapag naghihimay
Tagumpay lang ang siyang mag-iingay
Wag maingay kapag naghihimay
Hahayaan na tagumpay lang ang siyang mag-iingay
Wag maingay kapag naghihimay
Tagumpay lang ang siyang mag-iingay
Wag maingay kapag naghihimay
Hahayaan na tagumpay lang ang siyang mag-iingay


More on Malupit x Sixth Threat