Magnus Haven – Panalangin


Aking sinta nabihag mo itong puso ko
Nakita ka aking mundo’y tila nagbago
May isang anghel bigay ng langit walang papalit
Maamong mukha walang hihigit sana ngay iyong dinggin

Panalangin mapasakin ang iyong ngiti ang iyong halik
Panalangin mapasakin ako’y sabik sa iyong lambing

Sa ilalim ng buwan pinangako’y walang hangganan
Nawa’y ito’y bigyan ng pansin ang aking hiling
Ng tadhana ng mga diyos mga tala
Dahil sayo lamang nakita ang bukas ko

Panalangin mapasakin ang iyong ngiti ang iyong halik
Panalangin mapasakin ako’y sabik sa iyong lambing

Hindi alintana ang tanging kailangan tayong dalawa’y magkasama
Sa hirap at ginhawa sa lungkot at ligaya
Dahil ako’y naniwala
Dahil sayo nagtiwala
Aking panalangin
Sinagot na nila… ah ah ah…

Panalangin mapasakin ang iyong ngiti ang iyong halik
Panalangin mapasakin ako’y sabik sa iyong lambing

Aking sinta nabihag mo itong puso ko


More on Magnus Haven