Lupau, Jaber, Yayoi, Yosso – Pasensya Ka Na


Mahirap para sa atin na bitawan na

Mga palad na nagsilbing saksi ng ating pag iibigan

Kaya kung saan ka sasaya ay dun na rin ako

Wala na siguro magagawa kung yun ang gusto mo

Basta nandito lang ako kapag kailangan mo

Palaging nakaalalay dahil ikaw ang mundo ko

Ang buhay ko (oooh)

 

Gusto ko man bumalik mahagkan ka

At muling maramdaman ang mga halik mo

Sayo man ako’y sabik ngunit

Ramdam kong di na ako ang gusto mo

 

CHORUS:

Hindi ka na pipigilan mawala

Kung gusto mo nang lumaya ay walang magagawa

Mag isa ko na lang gagawin lahat ng pinangako sa isa’t isa

 

Pasensya ka na… aah ha ha..

Kung di ka naging masaya

Alam mo na mahal kita

Kahit iniwan mo na mag isa

Gusto ko pa rin na maging masaya ka

 

Kahit na may rason para manatili ay

Di na pwede dahil sa kanya ay__

Masaya ka na’t di na ako ang dahilan

Kaya naman hindi na kita mahihintay

 

Panibagong na buhay ang aking haharapin

Masakit man para sa akin ay aking tatanggapin

Heto na ang dulo ng hindi ko inasahan darating

 

Para sa ikakasaya mo kahit masaktan ako ay kasalanan ko

Pasensya ka na kung may pagkukulang

Ako sa’tin ay hahayaan ka na lang lumayo

 

CHORUS:

Hindi ka na pipigilan mawala

Kung gusto mo nang lumaya ay walang magagawa

Mag isa ko na lang gagawin lahat ng pinangako sa isa’t isa

 

Pasensya ka na…aah ha ha

Kung di ka naging masaya

Alam mo na mahal kita

Kahit iniwan mo na mag isa

Gusto ko pa rin na maging masaya ka

 

Sa tuwing nag iisa di maalis tanong

Sa isip ko kung kamusta ka na

Sana palaging nag iingat

San ka man mapunta

Kita naman sayong mga matang masaya ka na

 

Gusto ko sanang bumalik kaso ‘wag na lang

Ayaw ko naman kasi na sayo makahadlang

Hindi na rin mangungulit  at mag aabang

Kahit na mahal pa kita di bale na lang

 

Gusto mo ng lumaya wala naman akong magagawa

Sarili ang dinadaya mula nang ikaw ay mawala

 

CHORUS:

Hindi ka na pipigilan mawala

Kung gusto mo nang lumaya ay walang magagawa

Mag isa ko na lang gagawin lahat ng pinangako sa isa’t isa

 

Pasensya ka na…aah ha ha

Kung di ka naging masaya

Alam mo na mahal kita

Kahit iniwan mo na mag isa

Gusto ko pa rin na maging masaya ka

 

Kamusta ka na?

Di ko natatanong kung ikaw ay masaya

Ang sagot na hinihingi ko naman ay

Nakikita ko na sayong mga mata

Nakakalungkot lang kasing isipin na

Nung ako ay nagising hindi na ako kundi ibang lalake

Na ang tutupad ng iyong mga hiling

Sana maging ayos na din ako  kasi pagod ko na

‘to damdamin na makita ko na mas nahihigitan nyo pa

Yung mga dati nating mga pagtingin

Aaliwin ko at dayahin palagi sarili ko na palihim

Ganon parin di kayang alisin

Alam kong ikaw ay nandirito pa rin

Pero wala na akong magagawa

Nandito na ito dapat ko ng tanggapin

Di ako naging sapat

Hindi na ako karapat dapat mo na mahalin

Palayain ka na lang yun na yung sigurado

Pinakatama kong gawin masakit man ito

Ako na ang bahala kung

Paano ko nga ba ito dadalahin

 

CHORUS:

Hindi ka na pipigilan mawala

Kung gusto mo nang lumaya ay walang magagawa

Mag isa ko na lang gagawin lahat ng pinangako sa isa’t isa

 

Pasensya ka na…aah ha ha

Kung di ka naging masaya ha hah…

Alam mo na mahal kita ha hah..

Kahit iniwan mo na mag isa

Gusto ko pa rin na maging masaya ka

(REPEAT CHORUS 2x)

 

 

 

 

 

 

 

 

 


More on Jaber